Habang namimili kami, tingin ng tingin kay Kreuz ang mga babae habang sya naman ay busy sa pamimili. At ako, heto nagtutulak ng cart. Hanep na buhay.
Napaka GENTLEMAN talaga nya, nakakahiya naman sa akin.
"Ang pagod." Parinig ko.
"You may rest......in peace." Balewala nyang sabi'
Napaka-ugh! Akala ko pa naman tutulungan na nya ako. Walang kwenta talaga si Kreuz.
Papadyak-padyak pa ako na parang bata habang tinutulak yung cart. Pagtalaga nainis ako kay Kreuz, ihahampas ko sa kanya tong cart. Grr.
Lagay lang sya ng lagay at halos mapuno na yung cart.
Foods.
Snacks.
Milk.
At....
"OMG! Bakit may sanitary pad dito?" Gulat na tanong ko.
"Stupid. That's for you just in case." Walang kagana-gana nyang sabi.
"May silbi ka naman pala." Ganti ko.
"Ikaw lang naman ang wala." Sagot nya.
Damn! Arggh. Nakakapikon! Lahat na eh! Hayaan mo na Hershey, do understand. Ganyan talaga pag pangit.
"Hey stupid ugly turtle, you're not in the moon for pete's sake." Sita nya sa akin.
"Bakit kasi ang bilis mong maglakad?" I rolled my eyes at him.
Hindi nya ako sinagot. Pumunta na kami sa may counter at ang cashier naman namang landi. Dukutin ko mata nya eh!
Akala ko ako pa rin ang magdadala papunta sa parking lot pero ni isang plastic bag hindi nya ako binigyan.
Inilagay na nya sa may backseat yung mga pinamili namin.
Madilim na ng makarating kami sa condo nya mga 7pm na rin siguro, okay lang wala namang klase bukas eh.
-MORNING-
Nagising ako at naalimpungatan kong wala na si Kreuz sa kabilang kama. Wala pang 7:00 pero hindi ko na sya naabutan sa kwarto. Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng kwarto.
Ang tahimik ng buong unit. Bakit parang wala si Kreuz?
"Kreuz?" Tawag ko at naglakad ako papuntang kusina.
"Kreuz?" Muling tawag ko. Pumunta ako sa bathroom pero wala sya.
Mukhang umalis sya.
kruu~kruu~
Napahawak ako sa tiyan ko. Gutom na ako. Napansin ko naman na may pagkait sa lamesa na natatakluban ng tray, binuksan ko iyon at dinampot ko ang maliit na piraso ng papel.
'Eat. I just need to fix something in my office.'
Office? May office agad sya? 19 palang kaya sya. Pero sabagay sabi nga nila Tina, anak sya ng pinakamayam sa buong mundo. Perfect guy DAW si Kreuz kasi DAW.
Gwapo.
Mayaman.
Matalino.
Man of few words.
Pero duh? Mayaman nga at matalino sya pero napaka-arogante naman. Man of few words nga pero pag nagsalita parang ang sarap pumatay, wala syang ibang alam na sabihin kundi lait.
Nagsimula na akong kumain, okay masarap syang magluto, but it doesn't change the fact that he's arrogant, he's ungentleman and he's feeling.
Calling....
-Tina-
BINABASA MO ANG
Damn That FEELING-PERFECT Guy
Romance"I Love You, Hershey Walter " -Kreuz Onessa (The Never Been Inloved Boyish SEQUEL ♥) Written by: Leahsena