Chapter 21

532 30 2
                                    

"Hold her hand then pull her in a very romantic way. Can you understand me, Kreuz? Hug her tight, you have to make the scenario romantic." Ani ni Direk.

Nakatingin lang si Kreuz sa akin. Damn.

"Okay! In 3 2 1. Lights. Camera. Action!"

Nakaramdam ako ng kuryente ng dumaloy sa buong sistema ko nang hawakan nya ang dalawang kamay ko. Seryoso lang ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Mabilis pero maingat na hinigit nya ang mga kamay ko papalapit sa kanya, napasiksik ako sa dibdib nya, dahan-dahan nya akong niyakap.

Napapikit ako habang dinadama ang yakap nya. Naririnig ko na naman ang kabog sa dibdib ko.

Wait....

Hindi sa akin.

Mali.

Hindi lang sa akin.

Pati ang kay Kreuz. Sobrang lapit ng tenga ko sa dibdib nya at rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso nya. Damn. What's that for?

He patted my head at muli kong naramdaman ang mabining halik nya sa noo ko. Naramdaman ko agad ang pagkabog ng dibdib ko.

Nasa script ba yon?

Hindi ko na lang pinansin dahil baka hindi ko lang nabasa.  Napakagat-labi ako para itago ang tensyon ko. He lowered down his head para magtama ang mga mata namin. Marahan nyang hinaplos ang pisngi ko.

Damn.

Natutunaw ako sa mga titig nya. Hinawi nya ang mga takas na buhok sa mukha ko. Ugh. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Wala syang binibitiwang linya pero ramdam na ramdam ko ang mensahe ng bawat kilos nya.

Hindi pa rin nababali ang titig namin sa isa't isa. Seryoso pa rin ang mga mata nya na lalong nagpapatingkad ng features ng mukha nya. Ang intimidating nyang mata, ang matangos nyang ilong at mapula nyang labi.

Napalunok ako. Damn.

"CUT! That was an awesome move, Mr. Onessa." Masiglang bati ni Direk. Agad akong napabitiw kay Kreuz. Parang nagulat sya sa inakto kong iyon pero agad ding bumalik sa pagiging seryoso ang expression nya.

Mabilis kong tinungo ang lamesa na pinagpatungan ko ng mineral, pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Dammit!

"Ayieeh!" Naibuga ko ang tubig ng maramdaman ko ang pagsundot ni Thea sa tagiliran ko.

"What the!" Sambit ko at matalim kong tiningnan si Thea.

"Kita ko yung paglunok effect mo! Ayieeh! Lumalandi! Dalaga na sya!" Aniya at sinusundot pa rin ang tagiliran ko.

"Ano ba! Haha nakikiliti ako!" saway ko sa kanya. Patuloy pa rin sya sa panunukso nya sa akin. Sigurado akong namumula ang pisngi ko.

"You choose to be with him than to stay beside me. Great idea, Ms. Walter. Tss." Supladong singit ni Kreuz sa gitna ng pagkukulitan namin ni Thea kaya napatigil kami.

Sasagot pa sana ako pero mabilis nya akong tinalikuran at nakapamulsang lumayo sa pwesto namin. Napairap na lang ako. Tss. Suplado! Problema nun?

"Oops! Wag kumunot ang noo. Sige ka! Magkakawrinkles ka baka si Audrey na ang magustuhan ng boyfriend mo." Ani ni Thea. Napanting agad ang tenga ko.

"Hindi sila bagay!" Sabi ko at inirapan ko si Thea.

"Oy! Oy! Ano yan? So, sinong bagay kay Papa Kreuz?" Nakangisi nyang tanong.

Damn That FEELING-PERFECT GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon