Chapter 44

204 11 7
                                    

-

Isang elite school ang papasukan ni Precian. Bukod sa malaki at napakalawak nito ay dito ko sya gustong mag aral dahil maganda ang turo dito. Most of the children here are daughters or sons of rich businessmen, popular artists, and business tycoons. I even saw a kid  na alam ko ay anak ng isang pamilyar na modelo habang naglalakad kami sa mahabang hallway. Hawak ko ang kamay ni Precian habang nasa kabilang gilid ko si Kreuz.

"Miss Walter!" narinig ko ang masiglang bati ng isa sa mga teacher doon.

"Hi! Good morning." ngiti ko sa isang babaeng matanda lang siguro ng ilang taon sakin. Sya 'yong nag asikaso samin nung inenroll ko si Precian. I forgot her name.

"Oh, so this must be your son?" excited na tanong nya.

"Ah, yes. Ihahatid lang namin."

"Hello handsome!" bati nya kay Precian at nilapitan ito.

"Good Morning teacher Salva." walang emosyong bati ni Precian. Oh, he remembered her name?

Nakita ko ang paglipat ng mata ni Ms. Salva sa taong ngayon ay nasa bandang likod ko na. She giggled.

"And he is..?"

"My dad." Precian answered. Tumikhim ako. Shit. I can feel my heart suddenly beating so fast! Sinulyan ko si Kreuz, nakatingin sya kay Precian, at ngumiti.

"Oh right! The famous Mr. Onessa. Thanks for choosing this school! We assure you to provide the best education here." masayang sambit ni Ms. Salva at naglahad ng kamay kay Kreuz. Tumingin si Kreuz sa akin bago tinanggap ang kamay nya.

"Thanks. Please, take care of my son."

-

Pansin ko ang mga tingin ng mga tao sa paligid namin habang nakaupo ako sa wooden chair ng isnag sikat na restaurant, di kalayuan sa school ni Precian. Niyaya akong maglunch ni Kreuz habang iniintay namin matapos ang class hours nya. Sa harap ko ay si Kreuz, kunot noong nakatingin sa menu na hawak nya. He crossed his legs.

"Baby, what do you want?" he asked without looking at me.

Kumalabog ang puso ko. Ako ba kausap nya? Damn. Malamang ako lang naman kasama nya.

"Uh, bulgogi beef with kimchi nalang.."

Ngumuso sya. "Masarap ba yon? It looks gross."

Napairap ako.

"Then choose what you want, why ask me?"

"How about drinks?" balewala nya sa tanong ko.

Umirap ulit ako bago nilapag ang hawak kong menu sa mesa.
"Iced tea is fine."

"Ano pang gusto mo?"

"Wala na."

"How about desserts?"

"Wala, I'm fine with my order."

Ngumuso sya. Inalis nya ang tingin sa menu at bumaling sa nag iintay na waiter.

"Ganon din sa kanya ang order ko, thanks."

Umalis ang waiter at naiwan kaming dalawa. Sumandal sya bangko at humalukipkip saka tumingin sa akin.

"You should eat more, you look thin." he said while his eyes examined my body.
Uminit ang pisngi ko.

Damn That FEELING-PERFECT GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon