"Lights. Camera. Action!"
Pinagmasdan ko si Audrey habang unti-unti syang lumalapit sa akin. Seryoso ang expression ng mukha nya. Ayokong isipin pero pakiramdam ko ito ang totoong Audrey, hindi ang Audrey na nakakasalamuha ko. There's something about her na gusto kong malaman pero sa kabilang banda parang natatakot ako.
"Maari ba kitang makausap?" Litanya ni Audrey.
"Sige." Maigsing tugon ko.
Naglakad kami sa malahardin na paligid habang sinusundan kami ng mga cameraman. Umupo kami sa malagintong upuan na napapalibutan ng makukulay na bulaklak.
"Matagal na rin ng huli tayong magkausap. Hindi mo naman ako masisi kung nagkaroon ako ng hinanakit. Nagmahal lang din naman ako subalit batid kong ikaw talaga ang nais nyang makasama."
"Kung gayon, maari na ba tayong maging magkaibigang muli?" Litanya ko.
Ngumiti sya at bumaling sa akin. "Kung mamarapatin mo."
Niyakap ko siya.
"CUT!"
Agad akong napabitiw at umagwat ako sa kanya. Agad na lumapit sa akin si Thea at niretouch ako. Tinanggal naman ng ilang staffs ang mga nakakabit na pakpak sa likod ko.
"Where is Kreuz?" Tanong ko kay Thea. Ngumisi sya.
"Nasa puso ko." Natatawang sagot nya. Binato ko sya ng curler habang tumatawa pero agad ding nakailag.
"Nasaan nga?" Tanong ko.
"Nasa kubo, Ms. Hershey. Nagbabasa ng magazine."
"Okay. I'll go ahead." Paalam ko kay Thea. Nagsimula na akong maglakad papunta kay Kubo. Natatanaw ko pa lang sya pero nagkakagulo na sa dibdib ko. Damn. Lumapit ako sa kanya. Nakadekwatro sya at nakasalamin at seryosong nagbabasa ng isang magazine na tungkol sa society. Sumandal ako sa haligi at humalukipkip. Nakababa ang mukha nya sa mukha.
Mas lalo syang gumagwapo pag seryoso.
Bumuklat sya ng isang pahina at kumunot ang noo. Pinagmamasdan ko lang sya at tutok na tutok ang atensyon nya sa binabasa nya. Tumaas ang kilay nya at inayos ang level ng salamin nya gamit ang hintuturo.
"How long do you planned to stare at me, cara mia?"
Muntik na akong mawalan ng balanse mula sa pagkakasandal ko sa haligi. Damn. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Lumapit ako sa kanya at umupo sa bakanteng bangko sa harapan nya.
"I don't want to disturb you." Sambit ko.
"You're not a disturbance." Ibinaba nya ang binabasa nya sa ibabaw ng mesa at tinanggal ang salamin nya bago ito ipinatong sa magazine. Tinitigan nya ako at humalukipkip.
"What?" Mataray kong tanong dahil sa pagtitig nya.
"Don't use red lipstick if you don't want me to taste it right here." Mabilis kong tinakpan ang labi ko. Seryoso talaga ang expression nya. Hinagip agad ng kamay ko ang table napkin at tinanggal ko ang lipstick.
Ngumisi sya.
"Don't want to be kissed in public, Hershey?" Nakangisi pa ring tanong nya. Ibinato ko sa kanya ang table napkin sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Damn That FEELING-PERFECT Guy
Romance"I Love You, Hershey Walter " -Kreuz Onessa (The Never Been Inloved Boyish SEQUEL ♥) Written by: Leahsena