Wala pa kaming klase kaya naglakad-lakad na lang muna ako. Tumigil ako sa may quadrangle. Napansin ko naman si Kreuz na prenteng nakaupo sa isang bench at nakasalamin habang nagbabasa.
Dahil ayaw nya sa makulit at magulo, yun ang gagawin ko. Napangisi ako.
Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto nya habang busy pa rin sya sa pagbabasa. Tinakpan ko ang binabasa nya gamit ang kamay ko.
Walang reaksyon ang mukha nya pero kita ko ang pamumula ng tenga nya.
Tinanggal ko ang kamay ko, pagkalipat nya ng page...tinakpan ko ulit.
He glared at me.
Sinarado nya na ang binabasa nya at walang kaimik-imik na tumayo. I smirked.
"Pikunin." Bulong ko.
Sobrang laki ng ngiti ko pabalik ng room at tama nga ako, nandun si Kreuz...nagbabasa. Tumapat ako sa kanya.
Naka-indian seat sya sa sulok ng classroom, nag-indian seat din ako sa harap nya.
Isinalpak ko ang headset ko at saka kumanta.
"Bahay-kubo kahit munti ang halaman doon ay sari-sari..."
"Minimize your voice." Mahina pero may awtoridad sa boses nya.
"Singkamas at talong sigarilyas at mani, sitaw, bataw, patani...."
"Lower down your f*cking voice." Patuloy pa rin sya sa pagbasa at hindi man lang ako tiningnan.
"Kundol, patola, upo't kalabasa at saka meron pang labanos, mustasa..."
"Tsk.tsk." he murmured.
"Sibuyas, kamatis, baw----hmm hmm." Sinaraduhan nya ang bibig ko gamit ang daliri nya.
"Your voice is damn irritating. It's giving me headache." Nakatingin lang sya sa akin ng masama at saka tumayo sabay balik sa upuan nya.
"Ang ganda kaya ng boses ko. Kumakanta nga ako pag may mga interviews ako nung nasa U.S pa ako." Depensa ko.
Nagpokerface lang sya. Napakawalang-modo talaga nya!
Dali-dali akong umupo sa bangko ko dahil biglang dumating si mam.
Nagdiscuss lang si mam at si Kreuz, ayun tulog.
Napakatino talaga nyang estudyante. Mukhang sanay na sa kanya ang mga teachers.
Aha! Mapagtripan nga. I grinned. Ang talino mo talaga Hershey. I'm so proud of myself. Tumayo ako at saka kumuha ng tingting.
Nakangiti akong bumalik sa upuan ko at sinundot-sundot ko ang tenga nya.
Napakamot sya sa tenga nya pero pikit pa rin.
Wahahaha. I'm enjoying this. Sinundot ko ulit sya, this time napakunot naman ang noo nya haha. Sana pala navideohan ko.
Sinundot ko ulit sya.
Nagulat ako, nang bigla nyang hinawakan ang kamay ko pero hindi pa rin nagmumulat habang nakasmirk.
Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero mas lalo nyang hinigpitan. Hala! Hindi ko matanggal.
Bigla syang nagmulat at diretsong tumingin sa akin. I saw him smile...kakaibang ngiti. Hindi ngiti na nang-aasar....bakit ang...
.
.
.
.
.Gwapo nya?
Gosh! Ano bang iniisip ko? Eww ang panget nya! Ang panget nya! Oh gahd! He's giving me goosebumps. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako pag tinitingnan nya ako ng biglaan.
BINABASA MO ANG
Damn That FEELING-PERFECT Guy
Romance"I Love You, Hershey Walter " -Kreuz Onessa (The Never Been Inloved Boyish SEQUEL ♥) Written by: Leahsena