Chapter 6

694 28 0
                                        

Tapos na ang klase namin at kasama ko ngayon si Kreuz papuntang parking lot. Pupunta kasi kami ngayon sa bahay nila, naexcite tuloy ako knowing na malalaman ko na ang buhay ng isang Kreuz Onessa.

"Cover your ears when we got there." Paalala sa akin ni Kreuz.

"Bakit?" Naguguluhan kong tanong. Bakit may giyera ba sa bahay nila?

"Don't compliment my mom, she's damn annoying." Muling paalala nya.

"Bakit nga kasi?" Tanong ko. Ano bang meron sa nanay nya?

"You'll see." Sagot nya. Pumasok na sya sa kotse nya.

Wow! Ang gentleman naman nya! Hindi man lang ako pinagbuksan! Padabog kong isinara ang pinto ng kotse nya at tiningnan nya ako ng masama.

"Let's go, wag mong bibilisan." Banta ko.

He started the engine.

"Sinabi ng dahan-dahan eh!" Reklamo ko. Jusko! Pakiramdam ko hihiwalay ang katawan ko sa sobrang bilis.

"This is the slowest." Sagot nya.

My jaw dropped literally. Ano? Slowest? The hell! Eh halos lumuwa na nga ang mata ko sa sobrang bilis nyang magpatakbo.

Ilang minutes lang nakarating na kami. Nasa harap ko ngayon ang sobrang laking bahay. Palasyo ba to? Sh*t! Ang ganda! Malaki yung bahay namin pero lima nun itong bahay nila.

"Cover your mouth it stinks." Pang-aasar nya.

I glared at him.

"Nagtotootbrush kaya ako!" Depensa ko.

"I don't think so." Dire-diretso syang naglakad papalapit sa pintuan at automatic na bumukas ang isang glass door pagtapat nya. Wow!

"TANG*NA MO TADPOLE! MAPAPATAY TALAGA KITA!"
Nanlaki ang mata ko at nakapokerface lang si Kreuz.

"Oh, andyan ka pala Kreuz." Sabi nung lalaki. Sh*t! Ang gwapo nito pero medyo mature. Biglang napatingin sa direksyon namin yung babaeng sumigaw.

Teka....

Sya yung babae dun sa FRISAM Company.

Oo nga sya yun!

"Kreuz. Tsk. Tsk." Pailing-iling na sabi nung babae habang papalapit kay Kreuz.

"Move away." Cold na banta ni Kreuz at masamang tingin ang ipinukol sa babae. Ang ganda talaga.

"Alam mo kreuz ang magaganda hindi pinapaalis, sabagay welcome din ang pangit." Naglakad ito papalapit dun sa lalaki. "Kaya Tadpole, welcome ka dito." She smirked.

"Welcome din sayo." Ganting sagot nito.

"They are my parents." Bulong ni Kreuz habang no reaction pa rin.

Ano? Parents nya? Bakit parang ang bata, juskolerd! Bakit bukod silang pinagpala?

Hinila ako ni Kreuz sa may sofa at ngayong kaharap din namin ang parents daw nya.

Ano to? Meeting the parents?

"Girlfriend mo?" His father asked frankly.

"Hindi po nya ako girlfriend." Mabilis kong sagot.

"Infairness naman sa kasama mo, mukha syang tao. May mata, may ilong. Maganda. MAS maganda nga lang ako." Sabi ng mama nya.

"Cockroach?" His father.

"Hmm?" Mama nya.

"Gutom lang yan."

"F*ck you."

Damn That FEELING-PERFECT GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon