Chapter 38

587 20 3
                                    


"Do I look like my Dad?" Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko mahagilap ang sagot sa tanong nya. Why would he suddenly asked that question? I can't utter a word even a single word.

Tumunghay sya nang mapansing hindi ako sumagot. Tiningnan nya ako ng diretso sa mga mata. There's something in his eyes I couldn't tell. "Uh...nevermind." Then he looked away. Umisod sya ng konti at saka humiga sa kama. I heaved a sigh at saka lumapit sa kinaroroonan nya. Umupo ako sa tabi nya habang pinagmamasdan ko ang nakapikit na nyang mga mata.

"Precian..." Mahinang tawag ko sa pangalan nya ngunit hindi na sya kumibo pa. Marahan kong inayos ang comforter nya. Pinagmasdan ko sya habang nananatiling nakapikit ang mga mata nya. Is he asleep?

Pinasadahan ko ng daliri ang kilay nya pababa sa mukha nya. Ang mahahaba nyang pilik ay bumagay sa malalalim nyang mata. Ang maninipis nyang labi na tumutugma sa matangos nyang ilong. His jet black hair matches the seriousness etched on his face. Now, how can I deny that you look exactly like him when you don't get even a single resemblance from me?

Hinaplos ko ang buhok nya at pinagmasdan sya. Parang pinipiga ang puso ko. Masasabi mo bang masama ako kung malaman mong itinago kita sa kanya? Would you hate me? Naramdaman ko ang pangngingilid ng luha ko. I leaned closer at hinalikan ang noo nya. "Yes, you look like your father." I whispered and tears fall from my eyes.

-

Maaga akong nagising kinabukasan kahit na hindi ako gaanong nakatulog kagabi. Naabutan ko si Flaire sa kusina na nagluluto ng breakfast. He's wearing a short and his top is covered only with an apron. "Hey, anong niluluto mo?" I asked and approached him.

Pinatay nya ang stove bago bumaling sa akin. "Bacon and egg." He answered and smiled. "Where's Precian?"

"Tulog pa." Sagot ko. Nilagay nya sa isang lalagyan ang kanyang mga niluto saka hinubad ang apron. Kumuha sya ng mga plato at inayos ito sa mesa.

"I'll just take a quick shower. Sabay na tayong magbreakfast." I nodded. Umalis sya at tinungo ang bathroom. Natanaw ko si mama pababa ng hagdanan at bihis na bihis. She's wearing a black coat and pencil-cut skirt. Her stilletos created a sound as she walks through the living area.
"Ma, aalis kayo?" Salubong ko sa kanya. She greeted me with a kiss on my cheek.

"Yes, sa office na lang ako magbe-breakfast." Sinulyapan nya ang kanyang relo bago muling bumaling sa akin. "Where's Precian, by the way?"

"He's still upstairs, Ma."

"Aren't you going to enrol him here? Malapit na ang pasukan."

"Yes, Ma. I already found a school for him. We'll go there after breakfast." I answered and she smiled.

"Okay then. I'll go ahead." Sabi nya habang inaayos ang hikaw. Tinanaw ko sya hanggang sa makalabas sya ng maindoor.

Nagtungo ako sa tapat ng kwarto ni Daddy at kinatok ang pinto. "Dad, breakfast is ready." Mahinang tawag ko sa kanya. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Daddy na nakahawak sa tungkod nya.
"Okay, let's go." Aniya at ngumiti sa akin. Inalalayan ko sya hanggang sa makarating kami sa dinning table. Maya-maya pa'y sabay na bumaba si Flaire kasama si Precian. Magulo pa ang buhok nya at mukhang kagigising lang. "Goodmorning." I said and smiled at him.

"Morning, Mom."

"Ngayon mo ie-enrol si Precian?" Tanong ni Flaire habang kumakain kami. Tumigil ako sa pagsubo at nilingon sya.

Damn That FEELING-PERFECT GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon