Chapter 28

655 22 4
                                    

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Parang lahat ng mga ito ay bigla-biglang pumasok sa utak ko. Lahat ng mga ala-ala na kasama si Kuya Humprey. Pero ang ipinagtataka ko, hindi ko alam kung bakit sya naaksidente. Bakit bigla na lang syang naglahong parang bula?

Nakalimutan ko sya.

Pero hindi ko alam kung paano iyon nangyari. Kung tutuusin dapat sya ang taong hinding-hindi ko malilimutan dahil parte sya ng pagkatao ko. Huminga ako ng malalim bago ko muling pinagmasdan ang malalaking alon ng dagat. Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong gabing yun. Ang tangi ko lang nagawa ay dumistansya sa mga tao upang makapag-isip. Ilang beses akong gustong kausapin ni Kreuz pero lumalayo ako.

Ang daming tanong na gumugulo sa utak ko. Unti-unting nagtatagni-tagni ang mga pangyayari ngunit pakiramdam ko may isang napakalaking parte ng alaala ko ang nananatiling blangko at walang laman.

Kahit kelan hindi ko narinig kay na mama ang pangalan ni Kuya Humprey.

Nabuhay ako ng ilang taon sa paniniwalang wala akong kapatid. Masyado naman atang malupit ang tadhana para mangyari sa akin to. Sa mga ala-ala na bumabalik sa akin ay napatunayan ko na gusto ko noon na ako lang ang prinsesa sa buhay nya. Damn. I felt like I've been so selfish bratinella back then.

Ramdam ko ang pag-aalala ni Kreuz sa mga ikinikilos ko. Nakikita ko sa mga mata nya ang sakit sa tuwing iniiwasan ko sya. Pero kailangan kong ayusin ang sarili ko at labas na sya doon. Ayokong madamay sya sa gusot kung ano man ang nakaraan ko. Nanatili pa rin akong nakatayo sa dalampasigan habang nakamasid sa dagat na tanging sinag lang sa buwan ang nagbibigay liwanag. Why do I need to face something like this. Bakit ngayon pa?

Napasinghap ako ng may yumakap sa akin mula sa likuran.

"I miss you."

I bit my lower lip to prevent myself from crying. Damn. I miss him too. I've been became emotional for these passed few days because of what happened. Humigpit ang yakap nya sa akin at napagtanto kong, hindi ako nag-iisa.

Humarap ako upang yakapin sya.

"Kreuz."

"Shss." Mahinang bulong nya sa tenga ko. Hinagod nya ang likuran ko para patahanin ako sa paghikbi. Ilang araw ko din syang hindi nayakap ng ganito kahigpit. Alam kong malalampasan ko ito at magiging maayos din ang lahat.

Hinaplos nya ang pisngi ko at pinahid ang luha ko. Tiningnan nya ako ng diretso.

"Come on, let's stroll. I've been missing my property for long days." Ngumiti sya at hinila ako. Agad na kumunot ang noo ko ng tumigil kami sa harap ng kotse nya.

"Where are we going?" Tanong ko.

Hindi nya ako sinagot sa halip ay pinagbuksan nya lang ako ng pinto at pumasok naman ako. Pumwesto sya sa driver's seat at pinaandar ang makina ng kotse nya.

Ilang saglit lang ang naging byahe namin palabas ng island at tumigil kami sa harap ng isang vintage restaurant. Bakas ang pagiging makaluma nito pero halatang high class.

"Wear your disguise, cara mia."

Sinunod ko ang sinabi nya. Nagsunglass lang ako at ginamit ang hood ng jacket na galing kay Kreuz. Hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa restaurant.

Nakacup lang si Kreuz habang nakasuot din ng sunglass pero pinagtitinginan pa rin sya ng mga ilang estudyante sa loob ng restaurant. Ipinulupot ko ang braso ko sa bewang ni Kreuz.

I just want to inform them that he's mine.

Nagbawi sila ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Good.

Damn That FEELING-PERFECT GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon