Chapter 22

592 32 3
                                    

Mabilis kong tinungo ang pintuan at pumunta sa kinaroroonan nila. Binati nila ako. Niyakap ko ang sarili ko gamit ang dalawa kong kamay. Kumpleto ang lahat pati na rin sina Thea at Kreuz kasama na si Audrey.

Ngumiti sa akin si Thea. Lumapit ako sa pwesto nya umupo pero tumayo sya at saka ngumisi. Napakunot ang noo ko.

"Lilipat lang ng pwesto, Ms. Hershey. Baka majombagan ang lola mo." Tumatawa nyang sabi. Napatingin ako kay Kreuz ng tumayo sya at naglakad papalapit sa tabi ko, pinagmamasdan ko lang sya hanggang sa makaupo sya. Naka T-shirt lang sya at khaki short pero ang lakas pa rin ng dating nya.

"Move a little, cara mia." Aniya sa tapat ng tenga ko.

Damn.

Halip na makagalaw ako lalo akong naestatwa. Kitang-kita ko mula sa gilid ng mga mata ko ang pagngisi nya. Damn you.

"Okay, let's play a game." Masiglang panimula ni Thea habang nakatayo. Nabaling ang atensyon naming lahat sa kanya. "We're going to play stop dance pero..may twist."

"Simulan na yan." Nakangiting sang-ayon ni Direk. Napatingin ako kay Audrey na nakikinig din.

"Mafo-form ng circle ang mga lalaki then sa gitna nila ang mga babae na nakacircle din, iikutan nyo boys sila but, when the music stops isasayaw nyo ang babaeng makakatapat nyo." Paliwanag ni Thea.

Nagpuntahan na ang mga babae ganun din ang mga lalaki.

"Wala kayong takas." Nakangising sabi ni Thea at hinila kami ni Kreuz. Ugh. Ayoko nito. Nakatayo na rin sa gitna si Audrey habang nakangisi sa akin.

Nagform kami ng circle at pinalibutan kami ng mga boys. Hindi maalis ang kabog sa dibdib ko dahil kaharap ko ngayon si Kreuz at seryosong nakatingin sa akin.

"In 3 2 1 go!" Tumunog ang masiglang tugtog, sumasayaw ang ilan pero si Kreuz ay tahimik lang na umiikot at parang may tinatantya. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya at ganun din sya,

Biglang tumigil ang tugtog at agad akong napangiwi ng napatapat sya kay Audrey. Tapos na ba talaga yung tugtog? Tss.

"Isayaw nyo ang katapat nyo!" Inilahad ng isang staff ang kamay nya sa harapan ko pero naniningkit pa rin ang mata ko habang nakatingin kay Kreuz at Audrey. Nakahawak si Audrey sa batok ni Kreuz habang nakahawak sa bewang nya si Kreuz at walang karea-reaksyon.

Hindi ako makahinga. Parang kumikirot ang dibdib ko. Ayoko ng ganito. Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Gusto kong uminom at higit sa lahat ayokong makita si Audrey na kasayaw si Kreuz habang nakangisi sa akin.

"I'm sorry, inom lang ako." Paalam ko sa kasayaw ko. Hindi na ako lumingon pa at nagpatuloy ako sa pag-alis. Wala akong pakialam sa kanila. Dumiretso ako sa kubo at nagsalin ng tubig sa baso.

"Bakit ka umalis?" Halos mapatalon ako ng marinig ko ang boses ni  Kreuz mula sa likuran ko. Damn. Bakit ba ang hilig nyang manggulat? Tss. Humarap ako sa kanya.

"Nauuhaw ako eh." Walang kaemo-emosyon kong sagot sa kanya.

Bakit ba sya nandito? Magsayaw sila ni Audrey tutal BAGAY NAMAN SILA. Tss. Tinalikuran ko sya at dire-diretso akong lumabas ng kubo. Tumigil ako ng makarating ako sa seaside.

Napalingon ako at napansin kong nakasunod pa rin sa akin si Kreuz habang nakapamulsa at seryosong nakatingin sa akin. Napairap na lang ako at naglakad ulit.

Lumingon ulit ako, nasa likuran ko na naman sya.

Damn.

Inirapan ko sya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa boundary ng isla. Humarap ako sa kanya, tinaasan ko sya ng kilay at saka ako nagcross arms.

Damn That FEELING-PERFECT GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon