"Meet Ms. Audrey Toler Thomsen, ang makakasama nyo sa movie nyo." Ani ni Mr. Grimson. Tiningnan ko si Audrey mula ulo hanggang paa.
B*tch.
She's a b*tch. I'm sure. I don't like her aura.
"Anong role nya? Yaya ko?" Mataray kong tanong kay Mr. Grimson na ikinagulat ni Audrey.
"Kontrabida." Sagot ni Mr. Grimson.
"Akala ko yaya." Sagot ko.
"Ayusin mo tabas ng dila mo." Banta ni Audrey sa akin. I smirked.
"I'm scared." I sarcastically stated.
Noong binasa ko yung script, isa akong anghel at si Kreuz naman ay demon. Anghel din si Audrey.
Sa kwento, ako ang tipo ng anghel na pinanghahawakan ang batas pero si Audrey, walang pakialam sa batas makuha lang ang pagmamahal ng isang demon. Nagkakilala kami ni Kreuz sa isang digmaan sa pagitan ng langit at impyerno. At nang makita nya ako na nag-aagaw buhay, niligtas nya ako pero kahit may pag-ibig na namumuo sa kanila, ayaw nung girl na tanggapin yun kasi may pinanghahawakan syang batas.
Trapped by the demon ang title ng movie namin. Tss.
Bagay na bagay kay Kreuz ang role nya, demon haha.
Effortless yun.
Hindi na sya kailangan pang bigyan ng script. Natural na naman sa kanya yun eh. Sobrang sama ng ugali nya.
After naming mag-usap, lumabas na rin kami ni Kreuz sa office.
"Wait!" Napalingon kami ni Kreuz sa likod at kita namin si Audrey na papunta sa direksyon namin.
"What?" Mataray kong tanong at nagcross arms ako.
"Makikisabay lang ako." Nakangisi nyang sagot.
"Ganoon ka ba kahina at hindi mo kayang mapag-isa?" Mataray kong tanong.
"Hindi mo ko kilala, Ms. Walter." Ngumisi sya.
"Bakit? Kailangan ba? Don't worry pumapatol ako sa tanga." I tapped her shoulder.
"So, pumapatol ka sa sarili mo?" May halong pang-aasar na tanong nya.
"Sino ba sa palagay mo ang tanga sa ating dalawa? Ikaw di ba?" I smirked.
"Wag mo akong subukan." Aniya.
"Hindi kita sinusubukan dahil unang-una hindi ka challenging. Pangalawa, wala akong panahon makipaglaro sayo at pangatlo, wala akong pakialam." Inirapan ko sya at diretsong naglakad palayo sa kanya. Híndi ko naman napansin na wala na pala si Kreuz, nice! Nang-iwan sya.
Pumunta na rin ako sa parking lot at naramdaman ko na sinundan ako ni Audrey.
"Anong kailangan mo?" Mataray kong tanong.
"I heard kayo daw ni Kreuz." A smirk flashed on her face.
"Hindi ako na-inform, chismosa ka pala." Humarap ako sa kanya.
"So, totoo nga?" Pagkukumpirma nya.
"Ano bang pakialam mo kung kami o hindi? Bakit? May plano ka bang mag-apply na P.A namin?" I grinned.
"Hindi ako ganun ka-cheap. Alam mo Hershey, next time kilalanin mo muna ang kakalabanin mo." Bulong nya sa tapat ko.
"Bakit mo ibinubulong? Ipagsigawan mo, para malaman ng mga tao kung gaano kaitim ang budhi mo." Litanya ko.
BINABASA MO ANG
Damn That FEELING-PERFECT Guy
Romance"I Love You, Hershey Walter " -Kreuz Onessa (The Never Been Inloved Boyish SEQUEL ♥) Written by: Leahsena