Chapter 24

590 31 1
                                    


"Held her waist tighter! Bend her slowly and lower down your head and looked at her directly."

"In 3 2 1, lights. Camera. Action!" Pinaakyat ako sa hagdanan upang kunin ang isang aklat sa bookshelf. Humakbang ako ngunit nabali ang isang baitang ng hagdanan dahilan para mahulog ako pero mabilis akong nasambot ni Gio. Nakaalalay sya sa bewang ko, tiningala ko sya at nagtama ang paningin namin, dahan-dahan nyang nilapit ang mukha nya sa akin habang nakatingin sa akin ng diretso.

"CUT!"

Bigla kaming napatigil dahil sa hindi inaasahang sigaw.

Kreuz.

"Mr. Onessa, what did you do?" Tanong ni Direk kay Kreuz.

"I told you not to make that f*cking scene!" Ani ni Kreuz kay Direk at galit na galit. Napalingon naman ako kay Gio na umiiling habang nakangisi.

"It's already written on the script." Depensa ni Direk.

"Do it again and I'll burn that f*cking script." Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Kreuz bago tuluyang umalis. Naiwan kaming lahat na nakanganga dahil sa eksenang yun.

"Okay, let's continue tomorrow. We need to revise the script or else we're going to lose Mr. Onessa." Ani ni Direk.

Takot sila na mawala si Kreuz sa movie. Dahil alam nilang malaking kawalan si Kreuz para magawa ang movie. Umiiling na umalis si Gio. Agad na lumapit sa pwesto ko si Thea.

"Ms. Hershey." Tawag nya.

"What?" Tanong ko.

"Selos ata ang boyfriend mo." Kinikilig nyang sabi. Napairap ako sa kanya.

"Hindi ko sya boyfriend." Sagot ko.

"Aminin, gusto mong maging boyfriend." Pangungulit nya habang sinusundot ang tagiliran ko.

Damn.

Napangiti ako.

"Ewan ko sayo." Nakangiti kong sambit at mabilis ko syang tinalikuran. Nagseselos ba si Kreuz? Tss. Ayokong paasahin ang sarili ko.


"Kreuz." Tawag ko sa kanya ng makita ko syang nakakunot ang noo habang nakaupo sa nakatumbang sanga at naghagis ng bato sa dagat. Hindi nya ako nilingon at nagpatuloy sa ginagawa nya.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa inasal nya.

He's mad, yun ang alam ko.

"Why are you here?" Narinig kong tanong nya pero hindi pa rin sya lumilingon sa akin.

"Dahil wala ka dun." Seryosong sagot ko. Agad syang napatingin sa akin.

"Are you trying to be sarcastic, woman?" Taas-kilay nyang tanong. Damn. Bakit ang suplado nito? Tss.

"No, I'm not." Sagot ko. Umupo ako sa tabi nya. Ang bilis na naman ng kabog ng dibdib ko. Pinagmasdan ko amg dagat habang unti-unti nang lumulubog ang araw. Napangiti ako sa kawalan habang tinitingnan ito. Ang ganda.

"Will you stop smiling?" Iritadong sita nya sa akin. Mabilis akong napanguso.

"Ngumingiti lang eh! Tss." Mataray kong sambit.

"Why aren't you smiling at me? Damn. I wanna be that f*cking sunset." Suplado nyang sambit at muling naghagis ng bato sa tubig.

Gusto kong matawa dahil kitang-kita ang pagkainis sa mukha nya. You never fail to amuse me, Kreuz. Napangiti na lang ako dahil sa kanya. Hindi maiwasang tumalon sa saya ang puso ko sa tuwing nakikita ko syang naiinis. Bakit ganun?

Damn That FEELING-PERFECT GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon