Nakabusangot pa rin ang mukha ko habang pauwe. Nakakainis talaga yang kreuz na yan!
Alam nyo ba kung anung nangyari? Inagaw lang naman nya yung bag ko sa kamay ko para hindi ko na sya mahampas. At ang nakakainis pa dun hindi nya isinauli sa akin. Nandun lang naman ang cellphone ko, make up ko, mga pictures at I.D ko.
Wag nya sanang buklatin yung phone ko. Andami ko pa namang mga videos ko na kumakanta ako sa electricfan, sumasayaw. Ugh! Andami kong katangahan dun! Bahala na bukas.
Pumasok ako sa unit ko, mukhang walang tao sa unit ni Kreuz. Paki ko ba? Tsk. Kailangan ko na talagang makuha sa kanya yung gamit ko.
-MORNING-
Pagdating na pagdating ko sa Phyton's University si Kreuz agad ang hinanap ko. Asan na ba kasi yun? Buhay pa kaya sya? Tss sana hindi pero nasa kanya pa pala yung purse ko. Tsk. Tsk.
Dire-diretso lang ako ng lakad, walang lingon-lingon sa likod. Nasaan na kasi si Kreuz?
3 minutes...
10 minutes......
20 minutes.....
30 minutes......
1 hour.
Pawisang-pawisan na ako kakaikot sa mga maaari nyang puntahan. Gahd! Nasan ba sya?
Biglang may tumunog na cellphone.
Teka....
Akin yun ah!
Napalingon ako sa likod.
"WHAT THE HECK! Alam mo bang kanina pa kitang hinanap?! Nandyan ka lang pala! Ba't hindi ka nagsasalita?!" Inis na singhal ko sa kanya.
"Tapos?" Bored nyang tanong.
"Ugh! Nakakainis ka talaga! Isang oras na akong naghahanap!" Giit ko.
Binigyan nya lang ako ng bored look. What the!
"Ibalik mo sa akin bag ko!" Litanya ko.
May kinuha sya sa likuran nya at inabot sa akin.
"Bakit walang laman?!" Inis na tanong ko.
"You asked for your bag, I'm trying to be obedient." Aniya.
"Naku! Sh*t! Obedient your face!" Ako. Pag hindi ka naman talaga nainis! "Nasaan ang mga gamit ko?" Nakapameywang tanong ko.
Itinaas nya ang cellphone ko. Bakit ba ang tangkad ng kumag na to?!
"Ibaba mo nga yan!" Inis na utos ko sa kanya.
"Are you talking to me?" Nakangisi nyang tanong.
"Eh sino pa ba? Wag mo nga akong pinagtitripan!" Ako. Sinubukan ko ulit na abutin pero bigo ako.
"Look." Bigla nyang binitawan yung phone ko at malalaglag..
"Waaah!" Tili ko.
"Scared?" Nakangisi nyang tanong. Gahd! Pinakaba nya ako. Nasambot nya.
"Nakakainis ka talaga!" Singhal ko. Pinaghahampas ko ang braso nya. Muscles! Haha
"Chansing." Bulong nya.
"Kapal mo! Wag kang masyadong féeling! Ang payat mo kaya!" Sabi ko.
"Really?"
"Oo!" Sagot ko
BINABASA MO ANG
Damn That FEELING-PERFECT Guy
Romance"I Love You, Hershey Walter " -Kreuz Onessa (The Never Been Inloved Boyish SEQUEL ♥) Written by: Leahsena
