Chapter 11

603 26 1
                                    

  -SCHOOL EVENT-

6pm.

Inayos ko na ang sarili ko para ready na ako. Well gabi talaga ginaganap ang mga events dito. Ang ganda ng paligid, makukulay ang bawat booths may mga christmas lights kaya ang gandang tingnan.

May horror booth at ang daming tao dun. Marriage booth, jail booth. Mamaya pa kami kakantang 12 midnight kasabay ng fireworks display. Pang finale daw kami.

Naglakad-lakad muna ako at namasyal sa mga nakadisplay. May mga mini-stores din at games. May dance revo pa. Bumili ako ng mga keychains.

Umupo muna ako sa isang bench at saka nilantakan ang popcorn na nabili ko. Loner ba ako? Hindi talaga ako friendly eh, sina Tina naman busy sa practice nila.

"What are you doing here alone?"

Napapitlag ako sa gulat. Tahimik tapos biglang may magsasalita sa likuran. Kakainis.

"Kreuz." Sabi ko. Nakapamulsa syang umupo sa tabi ko. Mukhang wala sya sa mood mang-asar ngayon ah.

"You should be in the music room." Litanya nya.

"Ayoko dun, gusto ko kasing mamasyal." Sagot ko.

Nabigla ako ng tumayo sya at kinuha ang kamay ko.

Dug. Dug. Dug. Dug.

Naramdaman ko ang paghila nya sa akin.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko.

"Anywhere."

Hinayaan ko na lang sya na hilahin ako kahit medyo naiilang ako na magkahawak kamay kami. Maige na rin siguro na may kasama ako.

Tumigil kami sa may binabaril basta may mga bagay na babarilin ka tapos pag may napatamaan ka may teddy bear kang makukuha.

Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin nya binibitiwan ang kamay ko. Damn! Yung puso ko!

"Give me a gun." Sabi nya. Inabutan naman sya agad nung servant dun.

"3 shots po for teddy bear, yung pinakamalaki na po yun." Paliwanag nung owner.

Suddenly.

Ni pagkurap ng mata hindi ko nagawa sa sobrang bilis nyang napatamaan yung tatlo. Grabe!

Bumalik ako sa wisyo ng bigla nyang inihagis sa mukha ko yung teddy bear.

"Wow ha! Pwede namang iabot na lang, kelangang ihagis?" Litanya ko.

"Tss." Walang kaanu-anung hinila nya ako papunta sa artificial lake na may mga swans na pwede mong sakyan. Bangkang swan, cool!

"Sasakay tayo dyan?" Paninigurado ko.

"No, we're going to eat them." Bored nyang sabi.

"Kakainin natin?" Gulat na tanong ko.

Nabigla ako ng bigla nyang pinitik ang noo ko.

"Stupid."

Nagrent sya ng isang swan. At ano ang nakakapikon? Aba! Nauna pa sya sa akin eh di ba dapat inaalalayan nya ako? Like duh? Hershey! Si kreuz yan.

Good for two lang pala talaga tong swan at sobrang tahimik. Nakakatuwa kasi may ilaw sa ilalim ng tubig. May ilan ding mga nagbabangka.

"You seems to be really good in playing guns huh?" Panimula ko.

"I used to play guns since seven.." Sagot nya.

Damn That FEELING-PERFECT GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon