Chapter 8

620 28 1
                                    


"Ano po ba ang mga nawala sa inyo Ms. Walter?" Tanong sa akin nung guard.

"Yung TV set po, yung mga credit cards ko, jewelries ko pati po yung mga antique na gamit." Sagot ko.

Omg! Wala naman akong balat sa pwet pero bakit minamalas ako? Bukod sa 500 pesong kong pera wala nang tira sa akin tapos nalaman ko pa na sira yung lock ng pinto.

"Wala po ba kayong CCTV dito?" Muling tanong ko.

"Meron po sa labas lang pero sa loob ng bawat condo, wala. Para po may privacy." Sagot nung may ari ng building.

Wala na akong pakialam dun sa mga gamit, ang mahalaga sa akin eh yung pera anong ipapangbayad ko sa condo ko? Ayoko namang humingi ng tulong kay na mommy dahil I'm sure mag-aalala yun ng todo. Dagdag konsumisyon pa ako.

Saan ako titira? Wala akong pera hindi naman ako pwedeng tumira dito ng libre. No choice ako kundi umalis dito at humanap ng matitirhan pero saan naman ako hahanap ng titirahan na hindi ko na kailangan pang magbayad? Sh*t this life.

Teka.....

Si Kreuz!

Kailangan ko talaga ng matutulugan kahit pansamantala lang. Desperada na ako pero wala eh! I'll swallow my pride.

Inempake ko na ang mga damit ko at dahan-dahan akong kumatok sa condo ni Kreuz. Kaya mo yan Hershey! Aja!

Bumukas ang pinto at....iniluwa nun ang topless na si Kreuz. Bigla akong napatakip sa mata gamit ang kamay ko.

Abs men! Sh*t!

"What do you want?" Bored nyang tanong.

Eh? Nasaan na ang self-esteem mo Hershey? Kaya mo yan! Go! Go! Go!

Emergerd! Nilalamon ako ng kahihiyan ko.

"I badly need a shelter." Sagot ko.

"Hindi ako DSWD." Sagot nya sabay sara ng pinto.

BLAGG!

"Ugh!" Gigil kong sabi.

Napakawalang kwenta talaga nya. Pero kailangan ko talaga ng matutuluyan.

I knocked. Again.

"What?" Inis na bungad nya.

"Desperada na talaga ako. Kailangan ko talaga ng matutuluyan, nanakawan kasi ako at nadala lahat ng pera ko. Ipaglalaba kita, ipagluluto kita, kung gusto mo ako pa ang magpaplantsa ng damit mo." Presinta ko.

"Marunong ka?" Hamon nyang tanong.

"Hindi." Mahina kong sagot.

BLAGG!

Pinagsarhan ba naman ako ng pinto? Ano bang kailangan kong gawin? Wala na talaga akong pwedeng lapitan.

I glanced at my wrist watch, 12:45 na. Pano ba to? May pasok pa ako bukas, maya-maya lang madaling araw na pero heto ako, nganga.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng building. Siguro sa lobby na lang muna ako matutulog, for the first time pakiramdam ko aping-api ako.

Humanap ako ng pwesto ko. Wala namang tao dito maliban kay manong guard. Ginamit kong unan ang maleta ko, at ginamit kong kumot ang jacket ko. Night.

-

Kinusot ko ang mata ko. Grabe ang sarap ng tulog ko. I slightly opened my eyes..

Umaga na pala.

Teka....

OH MY GAHD! Nasan ako? Tiningnan ko ang buong paligid. Napakamanly ng dating, pati yung scent nung buong kwarto, lalaking-lalaki.

Damn That FEELING-PERFECT GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon