Chapter 42

571 21 16
                                    

"I know I should stay away but Hershey I just can't."

Pabalik-balik na naglalaro sa isip ko ang huling sinabi nya. Patuloy pa rin sa paglandas ang mga luha ko pag sumasagi sa isip ko. Akala ko wala syang paki, akala ko balewala lang sa kanya ang pagkawala ko. Pero, mali ako. Napahikbi ako at mahigpit na yumakap sa unan. Tinitigan ko sya na mahimbing na natutulog sa may sofa habang ako naman ay nasa kama.

"I hired so many men to get any information or lead about you not until your mom told me that you are happy and contented with your life now, that you don't need me anymore because someone had replaced me. And I can't fucking do anything about it."

Damn. How can I be happy and contented with my life now when in fact, I'm always waiting for him to look after me? Mom is pushing me away from him because she wants Flaire to have me.

Ilang pulgada lang ang agwat ni Kreuz mula sa kinahihigaan ko. Tinitigan ko ang mukha nya, muli kong naramdaman ang mabilis na kabog ng dibdib ko. Ganun pa rin ang dating nya, bakit tila walang pagbabago sa nararamdaman ko? May nararamdaman pa nga ba ako o nangungulila lang ako dahil naging parte sya ng buhay ko? Pinilig ko ang ulo ko at mariin na napapikit.

Of all people, bakit ako pa nakaranas ng ganitong sitwasyon? Biglang sumagi sa isip ko si Precian, bigla akong napabalikwas. Damn. Napahimas ako sa mukha ko. Does he know about Precian? May sinabi kaya si Mama about sa anak ko? Napasabunot ako sa buhok ko. No, no, no, hindi nya pwedeng malaman na nagbuntis ako. Once na malaman nya na nagbuntis ako, he will surely learn about Precian's existence at ayokong mangyari yun.

"Bakit gising ka pa?"

Napapitlag ako nang marinig ko ang boses nya. Nakaupo sya sa sofa habang nakahalukipkip at mataman akong pinagmasdan. Bagaman kaunting sinag lang ng liwanag ang nagmumula sa labas ay bakas pa rin sa mukha nya ang malalim na titig na tila sinusuri ang bawat kilos ko, mukhang kanina nya pa ako pinagmamasdan.

"Don't mind me, marami lang akong iniisip. Bumalik ka na sa pagtulog mo, lagpas hating gabi na." Sambit ko at nag-iwas ng tingin. Hindi sya natalima bagkus ay marahan syang tumayo at humakbang papalapit sa kamang hinihigaan ko. "Stop- hanggang jan ka lang!"Nagpapanic na sabi ko.

I heard him chuckled.

"Damn, Hershey relax. I won't rape you. As if I didn't see everything you have there, Ms. Walter." Aniya. Naramdaman ko ang pamumula ng buong pisnge ko. Agad kong hinagilap ang unan at ibinato sa kanya.

"Pervert!" singhal ko pero tinawanan nya lang ako na tila nang-aasar pa. Bigla akong natigilan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Di ba dapat galit ako sa kanya? Pero bakit tila pag kasama ko sya nawawala lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan ko noong mga panahong wala sya sa tabi ko? Tiningala ko sya nang bigla syang tumayo at tumigil sa harap ko. Ilang segundong namayani ang katahimikan, diretsong nakatitig sa akin ang malalom nyang mga mata.

Inokupa nya ang sulok na bahagi ng hinihigaan ko. Nag-iwas ako ng tingin nang bigla syang nagsalita. "Do you still hate me?" Napaawang ang labi ko na tila naging pipi ang dila ko. Do I still hate him?

Damn That FEELING-PERFECT GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon