Chapter 36

530 23 0
                                    

Hershey's POV

Bahagya kong ipinilig ang ulo ko nang maalala ko ang nangyari kahapon. Alam kong hindi imposibleng makasalamuha kong muli ang mga taong naging parte ng nakaraan ko pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Audrey ng ganon kaaga. Sa postura nya, bakas pa rin ang pagiging social class. Maayos at elegante.

I sipped my coffee bago ko iginala ang paningin ko sa paligid. Tahimik at payapa ang umaga at babago pa lang sumisikat ang araw. Humigpit ang pagkakahawak ko sa jacket na nakabalot sa akin dahil sa lamig.

"Hershey."

Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Flaire. He's wearing a white sando and black shorts. He approached me. Nakangiti nyang inilagay ang kanang kamay sa baba nya at tila nagdadalawang isip.

"May sasabihin ka ba, Flaire?"

"I planned to jog, gusto mo bang sumama?" Nakangiting anyaya nya. Tinitigan nya ako habang hinihintay ang sagot ko. Wala naman akong gagawin ngayon.

"Yeah, wait for me. Magbibihis lang ako." Dumiretso ako sa kwarto. Napansin ko si Precian na prenteng nakaupo sa study table at nakatutok ang mga mata sa laptop. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. "Goodmorning." Hinalikan ko ang pisngi nya.

"Goodmorning, mom." Ganting bati nya nang hindi ako nililingon at nakatuon pa rin ang atensyon sa laptop.

"What are you doing?" Tanong ko sa kanya.

"I'm playing soduko, mom."

"We're going to jog, wanna come?" Nakangiting tanong ko. Bahagyang gumalaw ang maliliit nyang labi na tila nag-iisip.

"Okay." Sagot nya at pinatay ang laptop. Binihisan ko sya ng jogging pants at T-shirt. I'm wearing a sports bra and maong shorts. I tied my hair in a messy high bun.

Saglit ko syang pinaupo sa kama upang isuot sa kanya ang sapatos.

"Let's go."

-

Mahigpit na nakahawak ang munting kamay ni Precian sa daliri ng kamay ko habang tumatakbo. Nasa likuran lang namin si Flaire at sinasabayan kami sa pagjo-jogging. May mangilan-ngilang tao rin ang nandito sa park at nage-exercise din.

Bumitiw sa akin si Precian at naunang tumakbo. Mas binilisan ko ang hakbang. Tumatama na ang sikat ng araw sa balat ko at tumatagaktak na rin ang pawis ko. Patuloy ako sa pagtakbo nang hindi ko napansin ang nakausling bato.

"Shit!" Mahinang mura ko nang matisod ako dito. Saglit akong napaupo at mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang sakit sa paa ko. Sinubukan kong tumayo pero napaigtad ako.

"Hershey!" Rinig kong boses ni Flaire at mabilis na dinaluhan ako. "Are you okay?" Bakas ang pag-aalala sa mukha nya. Umiling ako. Naramdaman ko ang marahan nyang pagbuhat sa akin. I wrapped my arms on his nape and I felt him breathing heavily because of running.

"Si Precian..." Tanging nasambit ko. Inilapag nya ako sa isang bench at sinundan si Precian. Bahagya kong hinilot ang paa ko. Maya-maya lang ay dumating na si Flaire habang pasan nya sa likod si Precian. Pawis na pawis ito at halatang pagod na.

"Put him down, Flaire." Sambit ko. Ibinaba nya si Precian. Agad itong lumapit sa akin. Kinuha ko ang panyo sa bag na dala ni Flaire at pinunasan ko ang pawisang mukha ni Precian. Hinubad ko ang suot nyang T-shirt upang palitan ito. Ramdam ko ang titig ni Flaire sa akin habang iniintindi ko si Precian. Binalewala ko iyon at nagpatuloy ako sa ginagawa ko.

"Mom, I'm thirsty." Pinulbuhan ko muna sya bago ko inabot ang bottled water. Hindi ko na ininda ang sakit ng paa ko at inayos ko na lang ang malagong buhok ni Precian. Sinuklay ko ang medyo basa nyang buhok gamit ang mga daliri ko. Bahagyang nakakunot ang noo nya at nakanguso habang ginagawa ko iyon. Ngumiti ako at hinalikan ko ang pisngi nya. Kaagad na nagsalubong ang kilay nya sa ginawa ko.

Damn That FEELING-PERFECT GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon