Nakatingin lang kami sa ulam na nakahain sa harap namin. Mga ilang minuto na rin siguro kaming nakatingin sa SARDINAS.
Gahd! Nakakaawa kami. First time kong mag-uulam nito. Mukhang nag-aalangan din si Kreuz na kumain, meaning ngayon din lang sya makakatikim nito, syempre mayaman eh.
"Wala ka bang planong kumain?" Tanong ko sa kanya.
Nagpokerface lang sya. Great! Really great! Kumuha sya ng knife at fork at hinati yung isda nung sardinas. Tiningnan nya muna ito at parang shunga na sinisilip pa haha ang cute nyang tingnan pramis.
Tinikman nya.
"Not bad." Aniya.
"Anong lasa?" Tanong ko.
"Sardinas." Bored nyang sagot.
"Napakagaling mong sumagot." Sarkastiko kong sabi.
"I know. Don't state the obvious." Cool nyang sabi.
Grr. Ang yabang talaga nya. Kainis! Baling tusukin ng tinidor eh! Kumuha na rin ako ng knife at fork at tinusok ko yung kalahati.
Lasa ngang sardinas.
Nagstart na kaming kumain. Tahimik lang kami sa pagkain. Tss. Pag si Kreuz talaga kasama mo, mamatay ka na at lahat, tahimik pa rin sya.
After kong kumain, dinala ko ang pinagkainan ko sa lababo. Bubuksan ko na sana yung gripo para maghugas pero pinigilan ako ni Kreuz ang kamay ko.
"Ano bang problema mo?!" Inis na tanong ko.
"I can't bear to see broken plates." Bored nyang sabi.
"Kanina ka pa! Broken plates mo mukha mo! Tabi! MAGHUHUGAS AKO!" Mariin kong sabi.
Tumabi naman sya.
Marahas kong binuhay ang faucet.
Then..
"AHHHH!" Irit ko ng sumirit ng napakalakas ang tubig sa gripo. Mabilis nya akong hinila palayo at pinatay nya yung faucet.
"Damn. Woman!" Iritadong sabi nya.
"I'm wet." Nakanguso kong sabi at pinagmasdan ko ang uniform kong basa.
Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako pabalik sa may table namin kanina. Ang lambot ng kamay. Shut up, Hershey! Tss.
Hinubad nya ang polo nya. Kitang-kita ko ang paggalaw ng muscles nya. Damn. Why so hot? Tsk. Buti na lang nakasando pa sya.
Inihagis nya sa mukha ko ang polo nya.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko.
"Cook it." Sarcastic nyang sagot.
"Pinirito o sinaing?" Nakangisi kong tanong.
"Stupid." Suplado nyang sagot.
"Stupid? Kaninong recipe yun?" Tanong ko.
"Ask my middle finger." Aniya at nagdirty finger.
"Middle finger? Kamag-anak mo ba yun?" Tanong ko. Napangisi ako ng napansin ko ang pagkainis nya.
"Will you shut up?" Inis na sambit nya.
"Bakit? Masama bang magtanong? Curious lang ako. Relax." Sabi ko at tinapik ko pa ang balikat nya.
Tinitigan nyo ako ng masama. Parang nakaramdam ako ng panlalamig. Gahd! Nakakatakot! Feeling ko mag-aapoy ako sa sobrang sama ng tingin nya.
BINABASA MO ANG
Damn That FEELING-PERFECT Guy
Romance"I Love You, Hershey Walter " -Kreuz Onessa (The Never Been Inloved Boyish SEQUEL ♥) Written by: Leahsena