Chapter 39

723 26 16
                                    

Tila estatwa akong nakatayo habang pinagmamasdan syang nakapamulsang nakatingin sa akin. Walang humpay ang pagpintig ng puso ko at halos hindi na ako makahinga. Nanginginig ang mga tuhod ko pero binalewala ko iyon. Itinikom ko ang nakaawang kong mga labi at buong tapang syang tinitigan pabalik. I just can't really runaway. Not now. Not ever.

Hindi sya gumalaw sa kinatatayuan nya. Seryoso ang malalim nyang mga mata habang nakatingin sa akin at parang tambol ang puso ko habang pinagmamasdan sya. He still have this jet black hair almost covering his deep expressive eyes. I know he's tall before but he's way taller now! Damn.

Nakita kong humakbang sya ng isa kaya agad akong napaatras. I saw his jaw clenched when he saw what I did. His eyes became more intense and I can feel my knees trembling!

Ibinaba ko ang tingin ko aa sahig dahil hindi ko matagalan ang mga mata nya. Napapaso ako. Naramdaman kong tumigil sya sa paghakbang, I can feel his stare even if I'm not looking at him. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam ang sasabihin. My heart and mind are completely messed and I don't know what to do.

Ilang sandali kaming nanatiling ganun, hanggang sa marinig ko ang pagbuntong hininga nya. I looked up on him but he's not looking at me anymore. His perfectly angled jaw was still clenched habang nakabaling ang atensyon sa gilid nya. Seems like he want to talk but he remained silent. Damn. I want to speak so bad but my throat went dry.

Muli syang bumaling sa akin. Halos dumoble ang pintig ng puso ko nang mag-umpisa na syang maglakad papalapit. Umamba akong magsasalita pero natigilan ako nang nilampasan nya ako. Napaawang ang labi ko kasabay nang pagkirot ng puso ko. Sinundan ko sya nang tingin habang naglalakad papasok ng restaurant.

He didn't even glance back at me.

Ilang sandali akong nanatiling ganun ang pwesto bago sumakay ng kotse. Mahigpit na napahawak ang mga kamay ko sa manibela. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang eksena kanina sa parking lot. Ang daming tanong na nabubuo sa isipan ko pero hindi ko malaman ang sagot. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at ibinalik ang tingin sa daan.

-

Wala sa sariling bumaba ako ng kotse nang mapansin kong nasa tapat na ako ng bahay namin. Marahan ang bawat hakbang ko habang papasok sa loob. Para akong nasa kabilang dimensyon.

"You met him." Mabilis na nabaling ang atensyon ko sa biglang pagsasalita ni Mama. It's not a question, it's actually a statement. Tiningnan nya ako ng diretso na tila binabasa ang iniisip ko. Agad akong nag-iwas ng tingin at nagsimulang humakbang.

"I'll go upstairs, Ma." Paalam ko pero hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ay agad akong napatigil nang muli syang magsalita.

"Stay away from him." Napakunot ang noo ko at nilingon sya. Nanatiling walang emosyon ang mukha nya habang diretsong nakatingin sa akin. Nakapinid pa rin ang labi ko. "Maayos na ang buhay mo ngayon at wag mong hayaang masira ulit yun." Gusto kong ibuka ang bibig ko pero tila nawalan ako ng boses.

"Ma...si Precian..." Ang tanging nasambit ko.

"He's fine, Hershey. Lumaki sya ng wala ang lalaking yun pero nandiyan si Flaire. He's willing to do everything para sa inyong mag-ina."

Si Flaire...si Flaire na parating nandiyan para sa amin pero sa tuwing maalala ko ang saya ni Precian noong nakausap nya si Kreuz sa bookstore parang may tumutusok sa puso ko. Iba yung ngiti nya nung mga oras na yun. Yun ang unang beses na nakita ko ang saya sa mga mata nya. Bilang ina, importante sa'kin yun.

Pinilig ko ang ulo ko at pinagpatuloy ang paghakbang. Hindi ko sya kayang pag-usapan ngayon matapos ang nangyari kanina.

Naabutan kong nagbabasa si Precian sa side table. "Hi, Mom." Bati nya nang hindi ako nililingon. Tumikhim ako at marahang humakbang papalapit sa kinaroroonan nya. Napangiti ako habang pinagmamasdan aya.

Damn That FEELING-PERFECT GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon