"Flaire!" Mabilis ko syang nilingon at agad na napako ang tingin ko sa mga mata niyang diretsong nakatuon kay Kreuz na nakatayo ilang agwat lang mula sa pwesto ko. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo kasabay nang malakas na pagpintig ng puso ko. Nanunuyo ang aking lalamunan at tila nawalan ako ng lakas na magsalita. Napaawang ang aking mga labi nang mapansin kong nagsusukatan sila ng tingin. Seryoso ang mukha ni Flaire pero nanatiling kalmado ang expression ni Kreuz.
Gusto kong ibuka ang bibig ko pero tila nagbuhol ang aking dila. Bumalot sa akin ang takot, kaba at pagkalito. Pilit kong ikinalma ang sarili pero mas dumoble ang kabang nararamdaman ko. Saglit akong napakurap nang mapansin ko ang pagsilay ng munting ngisi sa labi ni Kreuz pero agad din itong napawi.
Nag-iwas ng tingin si Flaire at bumaling sa akin. Pinagmasdan nya akong mabuti at hindi ko mawari ang gusto nyang ipahiwatig sa tingin nyang iyon. As if he wants to say something pero mas pinili nyang manahimik na lang.
"Let's go home." Ani ni Flaire gamit ang malalim na boses at binigyan ako ng pilit na ngiti. I started to take a step towards him.
"Hershey..."
Natigilan ako sa paghakbang at mariin akong napapikit. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko. That voice! Dammit! It's been five years since I've heard my name called by him. Parang bumalik lahat sa akin.
"Hershey, let's talk...please." Parang may humaplos sa puso ko dahil sa pagsusumamo nya. Ramdam ko ang pangngingilid ng luha ko sa mga mata ko. Bahagya akong tumingala upang pigilan ang pagbagsak nito. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.
"Flaire...go ahead. Don't worry, I can handle this." Sambit ko at ngumiti ako. Tinitigan pa nya ako bago marahang tumango. Sinundan ko sya ng tingin habang mabagal ang paghakbang nya palayo sa amin. Bago sya tuluyang makaliko ay tumigil sya. Lumingon sya sa akin at saka ako tinitigan. Lumampas ang tingin nya sa likod ko, ilang saglit pa syang nanatiling ganoon bago bumuntong hininga at tuluyang umalis.
Nanatili akong nakatayo, until I heard his footsteps. Naramdaman ko ang paglapit nya sa kinatatayuan ko. Hindi ko magawang lumingon lalo na nang maramdaman ko ang paghinga nya sa batok ko. And damn his scent! Para akong aatakihin sa puso sa sobrang lakas ng kabog nito.
Halos mapatalon ako nang maramdaman ko ang paghawak nya sa pulso ko. Mariin akong napapikit at humugot ng lakas ng loob. Dahan dahan ko syang nilingon. Bahagya pa akong napaatras para maharap sya.
His deep piercing eyes met mine as I look up on him. He's towering over me. He looks so formal in his black Tux. Tila kagagaling lang nya sa isang business meeting. He seems so out of place dahil sa suot nya. Bakit nga ba sya nandito? May sakit ba sya o may dinalaw?
Tila tumatagos sa kaluluwa ko ang mga titig nya. Nakakapanghina. Hindi ko kayang tagalan kaya nag-iwas ako ng tingin. Bumaba ang tingin ko sa kamay nyang nakahawak sa pulso ko. Naramdaman ko ang pagpisil nya dito kaya agad akong napatingala ulit sa kanya.
Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Should I talk to him on the first place? Limang taon ang lumipas at ngayon lang sya nagbigay ng interest na kausapin ako. Para saan? May dapat pa ba kaming pag-usapan? Sa pagkakatanda ko iniwasan nya akon nung huli naming pagkikita as if he doesn't care at all. Like I'm not part of his life anymore, so bakit sya nandito sa harap ko ngayon?
Tumikhim ako bago sya tinitigan ng diretso sa mga mata. Buong tapang ko syang tinitigan.
"Talk about what, Mr. Onessa?" Napaawang ang labi nya. Nag-iwas sya ng tingin at nakita ko ang pagkuyom ng panga nya. Unti-unti kong naramdaman ang pagluwag nang pagkakahawak ng kamay nya sa pulso ko.
BINABASA MO ANG
Damn That FEELING-PERFECT Guy
Romance"I Love You, Hershey Walter " -Kreuz Onessa (The Never Been Inloved Boyish SEQUEL ♥) Written by: Leahsena