Chapter 2

497 8 3
                                    

Maddie, Who?!

Snow's POV

"Oh? Akala ko ba'y susuntukin mo? Subok lang naman, pero pag nagawa mo ay wag mo akong sisihin kung ako ang susunod na kakanti sayo?" Deretso sa mata ni Kevin ang tingin ko.

Sira na nga ba ang araw ko dahil umagang umaga ay may gulo sa bahay, dahil sa mga magulang ko na akala mo naman e dalaga't binata kung mag-away tapos ganito pa dadatnan ko sa school? Ahhh! Por favor!!! (Oh please!)

Oo, kilala ko si Kevin, dahil noon pa man e may ginugulo na tong animal nato, dahil daw may gusto sa akin. Pwe. At ngayon, etong lalaking mahilig sumigaw ang kinanti nya, aba wag naman sigurong dahil sakin ulit?

"Aalis kaba o hihilahin pa kita?" usal ko dahil hanggang ngayon, nagtititigan ng masama na akala mo naman parehong bata. Imbyerna.

"Snow."

"Tatawagin mo lang ba ako Kevin at di mo ako susundin?" animong natatawa pang sabi ko dahil halatang may halong takot ang galit niyang mukha.

Napatingin naman sakin tong kunot noo na namang lalaki na sinuntok ni Kevin, kasabay ng pag-alis ko ng tingin kay Kevin ay pag-alis rin nya doon. Bumaling ako sa lalaki na masama rin ang tingin sa akin. What the hell?!

"Oh tingin ka jan?" singhal ko sa kanya

"Alam mo bang delikado para sayo yung ginawa mo?! Di ka nagiisip! Talagang sumagot ka pa don? Ha!" inis na sigaw nya na nakapamewang ang isang kamay at nagalaw galaw pa ang isa.

Hindi mo 'ko kilala, tss. Pero syempre, diko sinabi yan at inirapan ko nalang siya na siyang kinabigla, at baka ikinainis pa. Hinablot ako e.

"Alam mo bang kanina mo pa ako tinatalikuran?" tanong niya. Tinitigan ko ang kabuuan ng muka nya habang siya naman ay mukang naghihintay ng sagot, ha! Kapal.

"Oh tingin ka jan?" Gaya nya sa tono ng pananalita ko kanina.

Napangiwi nalang ako bago sumagot. "Malamang, ako gumawa e. Adíos" kasabay ng pagkaway ko ay syang pagalis ko sa harap nya. Diko napigilan ang pag-ngisi habang naglalakad pabalik ng hall.

Imagining his face made me chuckle, ano bang nangyayari sakin? Well he is cute. Damn, boy.

Pagdating ko sa hall ay may parang groupings na naganap. Ano ba to? Anong trip yan? Kasi kung tatanungin ako, ang corny.

Hindi na ako nakatiis na basta titigan sila kaya nagtanong na ako sa grupong malapit sa kinatatayuan ko.

"Uhm, excuse me. Ano nang meron?" i avoid using my kind of cold voice, i smiled. Hmm.

"Ahh, pinagsasama sama na ang bawat section. Eto ay 2nd year at 1st year ang unahan. And 3rd at 4th ay nasa may dulo" ngiti nya sabay turo ng daan kaya naman ngumiti ako bilang ngiti at nagpunta na sa linya ng mga 4th year HS.

Masyadong maraming tao kaya nahirapan ako ng kaunti sa paglakad papuntang likod. Hassle, kaya pagtigil ko ay hinubad ko ang cardigan ko at natira na lamang ang puting shirt ko. Pagharap ko ay mga tatlong lalaki na maiingay kaya medyo napatigil ako at nag-isip kung tatanungin ko ba sila.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon