Chapter 28

193 1 8
                                    

18th...

Maddie's POV

Wearing a black top with white linings on its chest part and high waist black and white long skirt, black stilettos and curly hair, i went down...

Hindi pa karamihan ang tao, Yllana and Aeriel's already here, nandito narin ang mga pinsan at ibang kamag-anak namin, si Papa ay busy parin sa pagayps ng sa cater. Si Mama, nakasunod saakin at inaayos amg skirt ko.

"Anak, umayos ka nga." ani Mama.

"Ma, that's already fine. You're being so paranoid again." sabi ko at nagpaalam sa kanya na lalapit muna sa mga kaibigan ko.

Sa poil nilagay ang stage, nakapatong ang glass stage sa pool kaya over looking ang tubig, Kuya's idea never fails to amaze me. Paglapit ko kina Yllana ay agad silang humalik sa pisngi ko. Kanina lang ay nandito sila, kala mo naman ay di kami nagkita kita. Hahahaha!

"Oh god, how can you be that stunning!" puri ni Yllana.

"Oh ah oh ah." binatukan ko pa siya sa sobrang O.A niya.

(Oh ah is o.a parang it was just pronounced as its literal sound.)

"Nasaan si Christiana?" tanong ko.

"Alamona, susunduin daw ni Apollo." Aeriel chuckled.

"Oh eh bakit ikaw di mo sabay si Sin?" baling ko kay Yllana.

"What?!" singhal niya, pikon talaga. Hahahaha.

Nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna sa side ng mga pinsan ko, syempre bati dito, bati doon bagp ako makarating sa table nila na pagdating ko ay puro bati din, pinsan sa side ni Papa ang nandito, close naman ako sa kanila pero mas close ako sa pinsan ko sa side ni Mama which is nasa France lahat, they're actually based in France, even Mama but she still chose to live here even without Papa decades ago.

Habang nakikipagkwentuhan ako sa kanila ay napansin ako ang pagtitig ni Clara sa may gate kaya napatingin rin ako.

"Oh good Lord, Maddie who is that adonis?!!" inalog pa ako ni Clara ng hindi ako sumagot.

There stood Chance wearing plain white tee as an insider to his simple suit, ripped skinny jeans and sperry leather shoes..... With a bouquet of tulips in his hands. Damn, boy. Mukang hinahanap niya ako dahil palingon lingon siya, natawa pa ko ng biglang kumunot nalang ang noo niya ng di ako makita. Muli kong binalingan si Cl na nakangiti parin habang nakatitig kay Chance.

"Sorry Clar, cant share what's mine." sabi ko sa kanya at sinamangutan lang niya ako kaya tinawanan ko siya.

Natatawang naglakad ako palapit kay Chance na hindi bumabago sa pwesto niya, palingon lingon parin at ng matingin sa gawi ko ay napataas nalang ang kilay niya bago ngumisi. Naglakad din siya palapit so we can meet halfway, angas maglakad, kamag-anak ata to ni Robin Padilla e!

"Flowers for my tangi." aniya sabay abot ng bulaklak.

"Anong tangi?!" asik ko.

"Tangi." sabi niya sa mataas na tono at tumaas pa ang balikat.

"E ano nga yon?" tanong kong muli.

"Tangi---"

"Tangi-na mo sabihin mo o papaalisin kita dito?!"

"Sweet mo no. Tangi, only ganon. My tangi, my only. Tsk." aniya at hinigit na ako papunta ulit sa loob.

Maya maya ay sunod sunod narin nagdatingan sina Sin, Apollo, Christiana at Luke, nasa iisang table kami at itong table na to ang pinakamaingay, tawa sila ng tawa, lalo na ng pumunta si Mama at Papa sa table namin, puro kantyaw na naman si Chance sa kanila. Hahahahaha!

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon