Chaper 5

328 6 0
                                    

Fuego

MADDIE's POV

Inaasahan kong masamang tingin lamang ang itatapon sakin ni Luke, ngunit sa pagkakataong ito ay nagkamali ako dahil sumagot na siya.

"Well then, Snow i think its time for them to finally meet the 2nd highest rank" Makahulugang aniya.

Ngumiti siya at bumaling muli kay Ally bago lumabas "Lumabas kana Light, papalabas na si Beaumont....

At Snow." ibinaling niya ang tingin sakin at ngumiti na puno ng sarkasmo, na agad ko namang ginantihan ng malaking ngisi. Mahusay ka Luke. Hindi mo'ko binibigo.

Paglabas ni Ally ay nagpahuli muna ako ng mga ilang segundo. Tiyak kong magiging maganda ang pagkikita ng lahat na ito. Bago ako lumabas ay itinali ko paitaas ang buhok ko at nagsuot ng salamin at cap. Dahil ganito talaga ang get up ko noon pa.

Pagdating ko sa Villa kung saan madalas ganapin ang ganitong meeting ay agad na nahagip ng paningin ko si Luke na nakatingin na rin sakin. Si Chance ay manggagaling sa itaas, pabida talaga.

Nang tuluyan akong makahinto sa paglakad ay agad napangiti si Luke at dali daling tumayo mula sa pagkakaupo sa unahan. Talagang nagmamadali ka, Knight.

Naging agaw atensyon ang ginawa niyang pagtayo at kunwaring pag-ubo, lahat ng narito ay napalingon na sa kaniya, dahilan para tumayo nako kahit wala pa siyang binibitawang salita. Matalino akong masyado kaya kilos palang, ay alam ko na ang balak niya.

I crossed my arms while directly looking at him, natanaw ko na rin ang pagbaba ni Chance. Kaya kasabay ng pagbaba niya ay ang pagngiti ko dahil sa mangyayari na tumatakbo sa utak ko.

Nang tuluyan siyang makababa ay lumapit siya kay Luke habang nakakunot ang noo at nakapamewang ang dalawang kamay. Pareho pa talaga kami ng suot, ang naiba lamang ay nakaripped  jeans siya at ako ay nakajeggings, pero ang pantaas namin ay sakto. Black shirt at leather jacket, bagsak ang buhok niya. Whooooooo baket.

Nagtamang muli ang paningin namin ni Luke, kaya nginitian ko siya. Bago pa lamang siya magpaplanong magsalita ay lumalakad na ako ng paunti unti, dahilan para mapalipat sakin ang paningin ng ilan, pati narin ang paningin ni Chance.

"Ehem. So obviously, andito na si Beaumont" paumpisang sabi ni Luke kaya tumigil muna ako sa gilid ng bandang gitna. Hinayaan ko siyang magpatuloy at hindi mawala wala ang ngisi sa aking labi.

"And for a very long time since Laville has started, tanging si Beaumont at ako ang humaharap sa inyo gayong alam natin na dapat ay tatlo kami, base sa rango na sinunod" mahaba niyang paliwanag, kaya takang tumingin sa kanya si Chance at tanging sama ng tingin ang naisagot ni Luke.

Binalik niya ang paningin sakin dahilan para magpatuloy na ako ng lakad.

"Ngayon ay dumating na--- Rather, dumating na "ulit" at gusto kong makilala nyo na siya ng pormal" aniya kaya biglaan ang naging reaksyon ng ilan gaya ni Chance na sumigaw pa ng

"What?! How come i didn't know??!" ngisi na lamang ang sinagot ni Luke. Nagpatuloy ako sa paglakad at huminto nang ilang hakbang mula sa unahan.

Ang tingin at pagtango ni Luke ang naging hudyat para tumungo ako sa unahan. Marami ring mata ang tumutok sa akin dahil sa naging pagtango ni Luke. Nagtama naman ang mga mata namin ni Chance, good thing i am still wearing my sunglasses. Ang pagkakatali ng buhok ko at cap ay pinanatili ko rin. Aalisin ko rin naman, pero may tamang oras para dyan.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon