Chapter 24

201 1 0
                                    

Conditions...

Maddie's POV

Nakuha na ni Sin at Apollo si Chance, sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalabas sila tsaka ako bumaling kina Muelo, bakas parin ang gulat, inis at katangahan sa muka nila liban kay Harris na naiwang walang emosyon ang mata. Eto nga pala ang dating unang rango ng Fuego, pareparehong istupido. Sumenyas ako kay Luke na umalis na rin siya pero umatras lang siya, alam kong hindi to papapigil kaya hinayaan ko nalang sa likod.

"Ginagalingan mo, Snow." sabi ni Muelo habang napalakpak pa, nakaupo siya ngayon dahil alam ko ay may tama siya kahapon sa binti pero hindi gaano kalala.

"Pero mas ginagalingan mo... Ay puta, di ka pala magaling." nginisian ko siya.

Akmang tatayo siya pati narin si Harris ng nadinig ko ang pagkasa ng baril ni Luke. Patay.

"Tangina niyo." sabi niya at nakarinig nalang ako ng dalawang magkasunod na putok ng baril.

Pagtingin ko ay nagaalab na sa galit ang mata ni Blue at Kevin dahil aila ang pinuruhan ni Luke. Mga tanga.

"Pahinging bangko." sabi ni Luke pero walang sumagot, ikinasa niyang muli ang baril at ipinutok sa itaas

"BANGKO BANGKO BANGKO!!!! CHAIR!!!!!" sigaw niya at binato ni Harris ang bangko sa kanya, halatang hindi papatamaan dahil taliwas sa mismong pwesto niya. "Thankyou ha. Continue." sinaluduhan pa niya si Harris bago umupo ng medyo malayo sa amin.

Inisnaban ko lang si Luke bago ako mulin bumaling kina Muelo, ayaw kong magpigil sa ganitong oras, pero gusto kong tumahimik para lalo silang mainis. Tumayo lang ako don ng walang gana habang nakatingin sa kanila, pinalipat lipat ko ang tingin ko kay Muelo at Harris, alam kong sila ang pumuro kay Chance, dahil mahina tong dalawang inutil dito na namumulupot sa sakit dahil sa tama sa tagiliran, mamaya lang ay tulog na ang mga yan.

"Edi relationship goals kayo niyan?" sarkastikong ani Muelo, nagkibit balikat lang ako.

"Kung hindi sana ako binalikan pa ng syota mo nung gabi para lang barilin muli an binti ko ay hindi ko kakantiin yan ngayon." Aniya ulit.

Pinakita kong nabubugnot ako sa pagkamot sa batok kaya napatawa si Harris, si Muelo ay nakangisi lang. Di ko pinakita ang pagiisip ko na hindi ko alam ang tungkol sa muling pagsugod ni Chance sa kanya. Maya maya ay naglakad si Harris papalapit sa akin, hindi ako bumago ng tayo pero napangiti ako. Sana ay nandito si Apollo para may magbanggit ng Let The Game Begin, dahil uumpisahan ko na talaga.

"Aaah shit! Bumagsak! Talo agad!!!" sigaw ni Luke kaya nagtataka kaming napalingon sa kanya. Papansin to!

"Naglalaro ako, oh flappy bird." sabi niya sabay dekwatro ng upo, alam kong nanunusot lang yan. Manang mana.

Huminto sa harap ko si Harris at ikiniling kiling pa ang ulo na tila ineexamine ang muka ko, hindi nalang direktang sabihin na maganda ako. Badtrip.

"Maganda ka pala, hindi ba't tipo ka nitong lalaking to? Sino ka ulit?" sabi ni Harris kay Luke.

"Knight pare, nice meeting you." sabi ni Luke at kumaway pa. Tss.

"Oh, balita ko ay gusto ka niyan. Gusto ka rin ni Muelo, pati tong si Kevin. Si Beaumont rin. Diko sila masisisi." baling niya sakin kaya napangisi nalang ako.

"Wala ka bang balak magsalita?" kunwaring natatawang tanong ni Muelo sa likod, tulog na ang dalawang inutil. Aw, sweetdreams.

"Meron naman, papatapusin ko muna ang usap ninyo bago ako basta pagkatapos ko, gusto ko ay walang matitira sa inyo ng iisang bala ang ginamit ko." sarkastiko kong sagot at agad na napatayo ng tuwid si Harris at naglakad pabalik.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon