Chapter 3

375 5 0
                                    

Beaumont

Maddie's POV

Habang nagtatapos ako ng pagkain, natanaw ko sina Sin at mga kaibigan nya sa may entrance ng canteen na parang nagtatalo-talo at may hinahanap, ang matindi pa eh kasama nila si Chance, chance ba? Yung lalaki kanina basta!!!

Para silang mga batang nag-bubulungan don, hindi ko na sana papansinin dahil masyadong sayang sa oras ng biglang nadinig ko ang pangalan ko...

"Maddie, who?"

Napataas agad ang kilay ko, inangat ko ang ulo ko para makita kung sino man yon, saktong pag-angat ng tingin ko ay nakatingin sakin si Chance dahilan ng lalong pagtaas ng kilay ko. Iiwas na sana ako ng paningin ng bigla akong ituro ng isa nyang kaibigan, kung di ako nagkakamali, si Luke yon. May bakas na gulat sa mukha ni Chance kaya medyo ngumisi ako, hindi ko lang alam kung bakit.

Maya maya'y biglang nag-ring ang bell, hudyat ng pagpasok na sa loob ng room. Room 201 kami ng mga kaibigan ko, hindi mahirap hanapin dahil paniguradong may flag na nagwawagayway ng number every room. Saktong pagtayo ko ay pagtalikod ng apat na magkakaibigan.

By looking at how they walk and analyzing them, para silang grupo at yung Chance ang leader, i can see it kung pano sila maglakad. I don't know, i just had an idea. Whatever.

Nakakailang lakad pa lamang kami ng natanaw na namin ang flag na may #201 na nakasulat. Buti naman at di na kami pinahirapan dahil magwawala talaga ako pag pinagpawisan ako dito. Hahahaha!

"Urgh, good thing malapit sa canteen ang room. Init" sabi ni Yllana sabay paypay gamit ang kamay.

Di nagtagal ay nakapasok na kami sa room, syempre nagcheck din muna kami ng name sa master list dahil baka assuming kami na nasa Star Section kami no. Luckily, andon nga. Kaya nga nakapasok diba?

Nagpauna si Aeriel sa paghanap ng magandang pwesto ng upuan, napili nya ang sa may dulo, lima ang hanay ng bangko, kung uupo kaming lahat ay sobra pa ng isa. Nang saktong papaupo na kami ay napatingin ako sa likuran ng bangkong uupuan namin. Nakita ko agad na nagaayos ng mga buhok ang apat na lalaki. Sina Sin.

"Oh Maddie?! Buti jan ka umupo! Hi ulit!" masiglang bati ni Sin sakin. Napatingin naman ang mga kaibigan nya at ngumiti sakin, liban sa isa.

Napatingin rin ang mga kaibigan ko kaya naisipan kong ipakilala sila.

"Anyways, these are my friends, that's Aeriel and Christiana and this is Yllana. Girls, this is Sin, Luke and Apollo." isa isa komg turo sa kanila habang nakangiti, ngiti rin ang isinagot ng mga kaibigan ko sabay shake hands. Napatingin ako sa gawi nung Chance na nakatingin din sa amin. Tss

"I have met them earlier" muli kong ngiti kina Yllana, sinadya kong tumingin dun kay Chance "And you are?" tanong ko dahilan para mapatingin ang mga kaibigan ko at kaibigan nya samin.

Tumayo si Chance at ngumisi rin.

"Chance Laurent Riva. Chance will do" sabay ngiti nya sa mga kaibigan ko. SA MGA KAIBIGAN KO LANG. Bigla siyang naglipat ng tingin sakin at nagtanggal ng ngiti at biglang napalitan ng ngisi...

"Nalimutan kong magpakilala sayo Snow, Chance nga pala" sabay abot nya ng kamay para makipagshake hands, tinitigan ko muna bago ko tinanggap, NG WALANG SINASABI.

"Pare, Maddie nga kasi" usal ni Sin.

"Im sorry Maddie, baka may kamuka kang kakilala ni Chance na Snow ang pangalan." paghingi ng dispensa ni Luke sabay baling muli kay Chance, "Pre, Maddie nga"

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon