BD-60

220 2 62
                                    

A/N

Lord, patawarin nyo po ako kung balahura ako sa chapter na ito. Dinemonyo po kasi ako nung kaibigan ko. Kilala mo kung sino ka, puso!!! Huhuhuhu. Char, pinapaasa ko lang kayo. Gusto ko lang magthankyou, makaarte lang bakit ba. Hehez, eto na paker.

Maddie's POV

Woke up with the beautiful sunlight of St. Tropez on Chance's arm, its our first morning here today! Gabi na kami ng nakarating kahapon. Muntik pa kaming maiwan ng eroplani sa kaartehan ng mga kaibigan namin.

Flashback

"Di nyo talaga kami isasama?" ungot ni Sin nang tumayo na kami dahil aalis na ang eroplano.

"Bakit? Kinasal ka ba samen?" sarkastiko namang tugon ni Chance

Gusto kong matawa kaso ay bigla akong kinulbit nina Yllana.

"Wag kang uuwi ng hindi ka buntis ha." bulong ni Christiana, at don nako humagalpak ng tawa.

"Ano?! Tanga ka ba?! Hahahahahaha!"

"Makinig ka nalang!"

"Walang ano ano ha!" sigaw naman ni Yllana.

"Anong ano ano?!"

"Protection, gaga!" sigaw ni Aeriel kaya napatakbo ako sa kanya para takpan ang bibig.

"Gaga, isigaw mo isigaw mo!"

"Hoy, aalis na sila. Ano si Chance lang mag-honeymoon don?" panloloko ni Apollo sa kanila dahil inuusap parin nila ako kahit masama na ang tingin ni Chance.

"Pwede din." kibit balikat na sabi ni Yllana at nabatukan agad siya ni Sin "Magsosolo, bakit ba!" dagdag pa niya kaya nagtawanan kami. Goodness, these people!

Mahabang paalamanan pa at kawayan ang naganap bago kami tuluyang nakaalis. Arte, kala naman di na kami babalik.

End of Flashback

"Goodmorning." nakangiti akong napalingon kay Chance ng magsalita siya. Nakapikit pa siya ngunit nakangiti na.

"Gising naaa."

"Gising na ko. Tingin mo sakin, sleep talking?" aniya at mahinang tumawa.

Bumangon ako at hinigit ang dulo ng tshirt niya.

"Bangon na, kain tayoooo."

"Okay okay." napipilitan niyang sagot at umupo sa harap ko tsaka ako dinampian ng halik sa labi

"May kayat ka." ngisi niya at tsaka dumeretso sa banyo.

Napabalikwas ako ng tayo at agad na humarap sa malaking salamin. Tanginangyon, wala naman! Kung ano ano nang pagkiling ng muka ang ginawa ko, wala naman akong nakita! Napalingon ako ng mamataan ko siya sa salamin na tatawa tawa.

"Joke lang!" aniya habang natawa pa din.

"Heh! Kumain ka mag-isa mo! Makakapagreproduce kayo!" sigaw ko sa kanya habang papunta sa banyo. Pero bago pa ako makapasok ay nahigit na niya ako.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon