BD-55

245 2 6
                                    

Almost 8 months later...

Chance's POV

December 2 palang ay abala na ako sa pag-aayos para sa birthday ni Maddie. Laking pasasalamat ko nalang din dahil nakatulong ko sina Yllana. Syempre, para sa kaibigan nila! Kabado ako dahil baka mamaya e masupalpal to! Pero wala nang tatalo sa kaba ko kahapon ng humarap akong mag-isa sa pamilya ni Maddie at sinabi sa kanila ang plano ko. Laking tuwa ko nalang at nakahinga ako ng maluwag ng magpaunang tumayo ang Papa niya para kamayan ako, ganon din si Zach at Axel, ang Mama naman niya ay maluha luha pa. Kung ano ang napag-usapan, ay tsaka nyo na malalaman.

"Chance, relax." natatawang ani Luke nang nagpapabalik balik ako para tingnan ang lahat.

Alas syete na ng gabi at nasa Tagaytay parin kami para sa final touch ng gagawin. Jusko, paanong puyatan!

"Nakakahilo ka! Umupo ka nga! Pag ikaw pumalpak tatawanan kita!" anas naman ni Apollo at malakas na tumawa.

Seryoso ko siyang binalingan ng tingin pero hindi siya natinag at tuloy tuloy padin sa pagtawa.

"Eh sipain ko kaya yang tyan ng asawa mo?!" biro ko kay Apollo at natawa nalang ako ng maramdaman ko ang binatong kahon na walang laman sakin ni Christiana "Joke, friend!" sagot ko ang nagpanggap pang bakla, napapailing nalang siya habang natawa.

"Gago Apollo Jr. yan!" ani Apollo at lumapit sa limang buwan na buntis na asawa.

Natigil lang kami nang dumating na ang ilang staff bitbit ang pangdagdag dekorasyon. Nakakapulubi!

"Ah sir, ayos na ho lahat." ani isang staff at tumango ako at nginitian siya.

"Salamat, brad. Una na din kami." sagot ko at tinapik siya.

Mga ilang minuto pa kaming nanatili doon bago umuwi. Nasa iisang sasakyan sina Luke, Aeriel, Sin, Yllana, Apollo at Christiana, ako lang ang nakabukod dahil ako ang pinakacute. Higit isang oras lang din ang byahe mula Tagaytay hanggang Manila, alas nuebe na nang makapasok ako sa condo ko, at don ko lang naalalang may girlfriend nga pala ako, badtrip.

"Oh tapos ka na mang-babae?" bungad ni Maddie nang sagutin nya ang tawag. Napatawa pa ako dahil don, nawala bigla ang pagod ko.

"Siraulo. San ka?"

"Hmm, kakauwi lang from Unwined, nagcheck. Ikaw?" aniya at nadinig ko pa ang paglock niya ng pinto.

"Condo na din. How have you been? Any plans for tomorrow?" tanong ko at kusa nadin akong napangiti.

"Im good, actually i just wamma eat. Hahahaha!" aniya kaya napailing nalang ako. Tss

"Okay, we'll eat then."

"I suddenly crave for ramen, love." anas niyang nagpapaawa.

"Okay, ramen tomorrow." sagot ko at nadinig ko ang paghikab niya. "Go to sleep, magkita nalang tayo bukas."

"Okay, baby. Goodnight, iloveyou po." sagot niya at tumawa ako dahil dun sa pag-po niya. "Do not laugh! I watched How to be yours, e!"

"Okay fine. Hahaha, i love you... Po." sagot ko din at natawa nalang siya bago biya ibaba ang tawag.

Bago ko pa malimutan ay tumawag na ako sa Teamo Floristeria para magdeliver ng bulaklak sa tapat ng pintuan ng condo ni Maddie, sinabi ko rin ang ilalagay sa card dahil printed naman iyon. Baka kasi isipin niyang may surprise nga talaga kami pag wala man lang akong ibibigay sa kanya bukas. Anyway, wag nyo nq ko purihin, alam kong bukod sa gwapo ako at matalino talaga ako.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon