Chapter 15

242 3 0
                                    

Flowers..

Maddie's POV

Pagkagising ko ay text ni Chance ang bumungad sakin para sabihin na 4pm pa daw ang flight niya. Hindi ako pumasok dahil medyo masakit pa ang balikat ko at friday na rin naman.

Bumaba narin ako para kumain nang naamoy ko ang niluluto ni Manang. Paupo na sana ako ng magring ang phone ko.

Its papa! Its been a month already since i talked to him..

Papa calling...

"Pa!"

"Anak, how are you?" masiglang bati niya.

"Im okay Pa. Kayo ni Mama?" tanong ko habang papaupo na pero hindi na naman natuloy nang may nagdoor bell. Kaaaga!

"Ako na." sabi ni Manang.

"May tao?" tanong ni Papa.

"Yata pa binubuksan ni Manang." sagot ko kay Papa habang sinisipat kung sino ang papasok.

"Siya nga pala, nabanggit ng Mama mo na nasira ang sasakyan mo. I called your Kuya na asikasuhin ang pagbili pag-uwi niya." Ani Papa.

Hindi ko masyadong napakinggan ang huling sinabi ni Papa nang nakita ko kung sino ang pumasok.

"I'll call you later Pa, iloveyou." sabi ko bago ibaba ang tawag.

Oh my god, bakit andito siya pawis pawis ako di ako prepared!!!!!

"Pinapasok ko na Anak, mukang kailangan ka ata makita." Panunukso ni Manang at dumeretso sa kusina.

Hindi naalis ang tingin ko kay Chance lalo na ng papalapit na siya. Naka-gray siyang polo at ripped jeans, nakaleather jacket pa siya na madalas suotin, pero mas nakapagdagdag dating ang dala niyang bulaklak.

Nang makalapit siya sakin ay agad niyang pinunasan ang pawis ko sa noo, jusko lord.

*look at the multimedia side for imaginary purposes*

"Flowers for my Bal." sabi niya sabay abot ng bulaklak.

"Ang clingy." biro ko.

Its only 8:30am kaya siguro nagawa pa niyang pumunta dito. Angbtiyaga niya, sana ay nagpahinga na lang siya.

"4pm pa ang flight ko, mapapaaga rin ang uwi ko dahil Sunday ay nandito na ko." balita niya.

"Hmm, buti naman. Edi makakapasok ka na din ng Monday?" tanong ko.

"Hmm, may laro kami kaya kailangan din." sagot niya. Anong laro?

Syempre ay tinanong ko siya kung para saan ang laro, yun pala ay may Intramurals next week sa school at isa siya sa varsity player ng basketball. Bakit alam niya at ako hindi? Eh pareho lang naman kaming wala.

"Wag ka ng sumali sa laro kung may balak ka." bilin niya. Wala talaga noh.

"Di ako sporty, asa." sagot ko kaya natawa siya.

"Lokohin mo lelang mo, baka mamaya e ayain ka lang ni Yllana magvolleyball pumayag kana. Uunahan na kita, bawal." Sabi niya.

"Wow syota?" pambabara ko.

"Malapit pa lang." kinindatan pa niya ako pagsagot. Wow yabang.

"Sino may sabi sayo?" pagsakay ko sa trip niya.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon