Chapter 13

254 4 4
                                    

Protector...



Maddie's POV


Pagkagising ko ay pakiramdam ko ay sobrang masakit ang balikat ko malapit sa dibdib, tuluyan kong naidilat ang mata ko at nakita ko si Sin, Apollo, Luke, Yllana, Christiana at Aeriel na kanya kanya ang upo at tulog sa sofa, maliban kay Luke.


Naaninag niya siguro ang tingin ko kaya medyo gumalaw siya para masilip ako at tumayo nang makitang gising na ako.


"Nasa ospital ka." aniya paglapit sakin.


Tsss. Obvious.


"Alam ko, Luke." irap ko sa kanya. Hirap akong magsalita ewan ko kung bakit. Inisnaban niya rin ako at pumunta kay Sin at Apollo para gisingin.

"Gising na si Maddie mga ugok! Tawag doctor bilis!" utos ni Luke sa dalawa kaya natawa ako nang bahagya.


Agad lumapit si Sin at Apollo sakin, katapus-tapusan ay si Luke rin ang tumawag sa doctor. Ang galing nila.


"Ayos ka lang ba?" tanong ni Apollo sakin.

"Ikaw kaya barilin?! Tanga mo magtanong!" pagsagot ni Sin sa kanya. "Oh eh kamusta ka nga?" Baling niya sakin.


Agad siyang binatukan ni Apollo kaya napatawa ako at ininda ang sakit sa balikat.


"Masakit, pero kaya. Ilang oras akong tulog?" tanong ko.

"Magdadalawang araw pa lang." sagot ni Apollo.


Ano?! Nabaril lang naman ah?! Namataan ko ang paggising ng mga kaibigan ko at lumapit din sakin. Syempre ay pinagalitan nila ako, kung bakit daw ako nagpabaril, akala naman nila ay ginusto ko to. Tss.


"Basta Maddie, next time ay magingat ka. Saktong uwi namin ang balita nitong si Ylanna." ani Aeriel.


Hindi na ako nakasagot ng pumasok ang doctor. Pinaliwanag niya sakin kung bakit dalawang araw ako nakatulog kahit nabaril lang naman ako. Napasama daw ang bagsak ko dahil medyo natamaan ang sa may leeg ko kaya medyo naging masama yon.


"I'll be back to check you this evening. Sa ngayon ay wag kang kumilos ng kumilos, sumandal ka kung kaya mo. Okay? I'll see you later." paalam ng doctor bago lumabas.

"Oh nadinig mo?!" singhal ni Yllana.

"Malamang no, may tenga yan." sagot ni Christiana. "Sige na at uuwi na muna kami nitong ai Aeriel, babalik kami mamaya." baling niya sakin kaya tinanguan ko nalang siya.

"Sasabay nako. Mamaya ang balik ko. Maiwan na muna dito sina Sin ha. Be right back." Paalam rin nina Yllana at sabay sabay lumabas.


Now, i am left with these boys. Haaaay, Chance uwi kana....


"Lagot tayo kay Chance." biglang usal ni Sin.

"Bakit nasa Germany si Chance?" hindi ko pinansin ay sinabi niya dahil ito naman ang gusto kong malaman dahil ayaw sagutin ni Chance.

"Magtatago pa ba kayo, nabaril na ko oh?" papapaawa ko dahil muka na naman silang walang balak sumagot.

"May bahay sila don." sagot ni Apollo.

"Alam ko yan." sagot ko rin.

"Hmm, bakasyon?" hindi siguradong sagot ni Sin.

"Muka kayong tanga alam nyo yon?" sabi ko sa kanila, sabay silang napatingin sakin ng nakanguso. Truth hurts.


Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon