BD-49

178 3 6
                                    

Maddie's POV

"Ma'am, the Clique Company would want to remind you about your photoshoot with Mr. Chad later this afternoon. Thank you!"

Jesus, ngayon na pala iyon! Dalian kong tinawagan si Chad na kakadating lang kahapon mula sa France.

"Chaddy! Ngayon pala ang photoshoot?"

"Yep, kaya nga umuwi ako. Di ba?" aniya kaya napasapo nalang ako sa muka ko.

Im not prepared. What the fuck

"Okay, see you." matamlay kong sagot at binaba ang tawag.

Nasa condo ko parin ako, at anong oras na. Maya maya ay tumunog ang landline kaya agad ko itong kinuha at sinagot.

"Who's this?"

"Yllana, dear." ani nasa linya. Si Yllana pala.

"Christiana and Apollo is finally back from their month long honeymoon!" masiglang aniya. Masigla siya, nanlumo na naman ako.

Yep, month long. Umalis sila ng January 4 right after the wedding. Anong petsa na? February 12.

"So it means... Partyyyy!!! Later okay?! Seeyou!" sabi niya at kusang binaba ang tawag.

Napahiga nalang ako sa sofa. It must've been a very busy day for me. Tamad na tamad akong kumilos ngayon. Anobayaaan. On cue, biglang bumukas ang pinto ng condo. Di nako magiisip kung sino dahil bukod sakin siya lang naman ang may susi nito.

"Hello, baby." aniya at umupo sa gilid ng sofa kung saan ako nakahiga.

"I have photoshoot." sagot ko sa kanya, umupo rin ako at ikinublit ang braso ko sa kanya bago ako sumandal sa kanyang balikat.

"That's why im here. Hindi ako ang photographer but I'm the boss so im gonna accompany you." aniya at ginulo ang buhok ko. "Bakit hindi kapa naliligo? 11am na, alas dos ang shoot nyo."

"Napakadami kong ginawa last night sa Closet. Remember, we're openinh another branch here at sa London. Emails and so stressed me so much." sagot ko.

Inakbayan niya ako kaya parang lalo akong tinamad.

"Can we just stay like this, love?" tanong ko at naramdaman ko ang pagangat ng bahagya ng balikat niya. "Tinatawanan mo ba ko?!"

"Nope, its just that, that's what im gonna say too. Kaya lang, may shoot ka. Maligo kana." sagot niya kaya wala na akong nagawa kundi umisnab at sundin siya na maligo na.

Nagshort at puting thshirt lang ako para madali magpalit. Paglabas ko, ayon. Tulog si Chance, magaling, mahusay. Tinabihan ko siya sa sofa at pinagmasdan siyang natutulog.

"Tunaw." bigla niyang sabi kaya agad ko siyang hinampas. "Aray!"

"Ewan sayo." sagot ko at tumayo na para unahan siya sa paglabas. Kahit kailan, basag trip!

Tatawa tawa parin siya sumunod saakin at kinuha ang kamay ko habang natawa parin.

"Lika na nga!" aniya kaya nagpatianod na ako sa paghigit niya.

Pagdating namin sa building kung saan magpophotoshoot ay agad kaming sinalubong ng mga tauhan ni Chance, isa pa tong Macky na to, bakit hanggang ngayon, nandito to?! Char lang.

"Chance, eto nga pala yung papers. Pinapunta nako dito ni Luke para ibigay yan sayo. Pirmahan mo nalang daw." ani Macky at inabot kay Chance ang papel at ballpen. "Thankyou. Pano, una nako? Ingat, Maddie." aniya at nilingon ko nalang siya bago ngitian.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon