Chapter 12

214 3 7
                                    

Madd is Mad.

Maddie's POV

"Sino si Shainara, Chance?"

Kausap ko ngayon si Chance, kinagabihan pagkagaling ko sa Laville at tinawagan ko si Chance para magtanong ngunit wala akong nakuhang sagot.

Pagkagising ko ngayong umaga ay siya ang kusang tumawag. Madaling araw na doon ah? Nag-uusap kami at bigla ko ulit naisingit ang tungkol sa hayop na Shainara na yon. Nakakailang tanong na ko ay di pa rin niya sinasagot, puro siya himutok kung bakit sinabi sakin ni Sin.

"Chance, sino si Shainara? Isa pang ulit ko nito susunod ako jan babangasan kita tsaka ko itatanong." sabi ko.

"Gusto ko yan, punta ka dito."

Napangiwi ako sa naging sagot niya. Malaking pagkakamali ang naging suhestiyon ko. Tsk, tanga Maddie.

"Chance." Pagtawag ko sa kanya bilang warning na sumagot na.

"Tsk. Si Shainara, myembro ng Fuego." sagot niya.

"E bakit diko kilala?!"

"Aba malay ko sayo. Syota ni Muelo yon, nalaman na kinanti ko si Muelo nong nakaraan eh." aniya.

"Tanga ka talaga. Babae yon, bakit naman naisahan ka?!"

"Wala po kasi akong mata sa likod kaya pasensya na." pambabara niya.

"Tss. Wala kang kwenta." singhal ko sa kanya

"Wow nasaksak na nga wala man lang tanong kung okay ako." panunumbat niya kaya napailing nalang ako.

"Nakarating ka sa Germany ng may saksak kaya okay ka. Tawagan kita mamaya, may aasikasuhin ako. Matulog kana."

"Hoy Maddie. Wag si Heart, pagdating ko na." sabi niya.

"Aba't sino si Heart?!" nagtatakang tanong ko.

"Si Shainara! Tanga ka talaga!" asik niya.

"Bakit kasi kailangan maki-Heart kapa, kala mo puso mo yon ah!" sigaw ko.

"Bakit ka nasigaw? Wag kang mag-alala..... Ikaw lang sapat na, boss maldita!" sagot niya kaya sabay kaming napatawa. Jejemon! Hahahahaha

"Hindi ko maipapangako. Umuwi kana kung ganoon." sabi ko.

"Malapit na. Tulog nako?" tanong niya.

"Kanina ko pa sinabi yan Riva." sagot ko tsaka binaba ang tawag. Kung hindi ko yon binaba paniguradong hahaba na naman lalo ang usapan.

Agad akong naligo dahil pupunta ako sa Laville. Nagsuot lang ako ng karaniwan kong suot, jeggings na black, vneck shirt at leather jacket na black rin. Paglabas ko ay dumeretso ako ng sakay sa kotse at pinaharurot sa Laville.

"Nasaan sina Luke?" tanong ko kay Apollo na kasabay kong dumating.

"Anjan na daw kadarating lang din." sagot niya.

"Tawagin mo. Sa quarter ko. Ngayon na." Seryosong sabi ko at deretsong naglakad patungo sa kwarto.

Pagdating ko ay kasunod na din silang tatlo. Bakas ang kabadong mukha ni Sin at Apollo samantalang si Luke  halatang antok pa.

"Saan natuloy si Shainara?" agaran kong tanong.

"Ang alam ko ay sa villa ng Fuego na iyon mismong natuloy." Si Luke ang sumagot sa kin.

"Gaano ba kalakas yon at nagawang saksakin si Chance?" kunot noo kong tanong.

Napatawa sa gilid si Luke at tinanguan niya si Apollo hudyat para magsalita na siya.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon