Chapter 4

367 7 0
                                    

Laville

CHANCE'S POV

"Kilala naman kita dahil madalas kita makita, di ko naman alam na Chance pala ang pangalan mo.... Beaumont"

Yan ang huling salitang nadinig ko mula kay Maddie, daw. Naghalong pagtataka at gulat ang naging muka ko pagkatapos niyang higitin ang braso nya at umalis. What the fuck?

Nang makamove on ako sa sinabi niya, agad na lumapit si Luke at Sin sakin at nagtanong.

"Ano yon?" magkasabay na sabi nang dalawa.

"Tangina. Kailangan kong malaman lahat" galit na sagot ko ngunit may nabubuong pag-asa sa isip ko na hindi ako mali ng dinig, at Snow talaga ang tawag sa kanya ni Kevin.

"Oh anyare?" nagmamadaling tanong ni Sin.

"Tinawag akong Beaumont."

Sumeryoso ang mukha ni Sin na tili pinoproseso pa ang sinabi ko.

"Ano ulit?" paglilinaw nya

"Sabi ni Sn--"

"Maddie nga" singit ni Luke. Tsk

"Oh edi sabi ni Maddie" pinagkadiinan ko pa ang pangalan nya habang nakatingin kay Luke. "Kilala daw niya ako. Di naman daw nya alam na Chance ang pangalan ko, at tinawag akong Beaumont" seryosong pagtuloy ko ng kwento.

"Jusko paano" tulala paring sagot ni Sin.

Tumingin ako kay Luke at mas nagtaka ako sa reaksyon niya, dahil parang wala siyang nalaman na kung ano. Wala lang, nakatingin lang siya sakin at nakataas ang kilay. Paano, Luke?

Pagkatapos non ay bumalik na kami sa room, sa unang pinto kami pumasok kaya pagpasok pa lang ay kita ko na agad si Maddie na nakacross ang dalawang braso, nakapandekwatro at ngingisi ngisi habang papasok ako.

Putangina, sino ka?

MADDIE's POV

Tanaw na tanaw ko ang pagpasok nina Chance, nakangisi akong tumingin sa kanya, at pagtingin ko sa likod nya ay takang nakatitig sakin si Luke.. Hindi ba't madalas tayong magkamataan? Pero hindi ko sigurado. Si Sin naman ay ilang na ngumiti sakin ng dinaanan ako.

Paniguradong alam nila ang naging usapan namin kanina. Well, i am still breathing so fine because i am not at fault. Nobody is at.. Siguro kung meron man, ay dahil sa isang dahilan na hindi naman kabigatan, sabihin nalang natin na umiral sa kanya ang katangahan ;)

Agad kaming umayos ng upo ng dumating ang Physics teacher, nagpakilala siya, at gaya ng nangyari kanina ay nagpakilala lang kami sa kanya isa isa. Hindi ko maiwasang mapairap sa tuwing ako na ang susunod, dapat pala ay gumawa nako ng karatula na may nakasulat na pangalan ko.

Lumipas ang ilang oras ng may biglang pumasok sa room at sinabing maaga ang uwian ngayon dahil may meeting daw lahat ng faculty member. Hindi pa man ako nakakatayo ay tumunog na ang cellphone ko, may nagtext. Kukuhanin ko na sana ng may tumunog rin sa likuran ko, tatlo na sunod sunod. Tss, masyadong malakas ang kutob ko dito.

1 message

From: 092625*****

Meeting, at our place. Now.

-B

Agad akong napakunot noo nang naisip ko kung ano ang text na iyon. Napalingon ako sa likod at sabay sabay umalis ang tatlong lalaki, dahil nauna na si Chance. Sigurado.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon