Chapter 17

232 5 0
                                    

Future Riva.

Maddie's POV

Friday evening when Chance called. Hindi ko na binanggit ang pagkakaalam ko sa mga nangyari, tsaka na siguro pag magkaharap na kami. As usual, kinamusta na lang niya ako about sa kotse ko na binasita ko kunwari, syempre ay sabi ko nalang na maayos na at may nagustuhan naman na ako. White lies ftw.


Its saturday at ang schedule ko ay magMall dahil wala naman gagawin dito sa bahay. Si Manang ay aalis din dahil mamimili dahil uuwi na si Kuya Axel galing Germany bukas. Si Kuya Zach naman ay sa Monday ang dating. Sa wakas ay may makakasama na ako.


Bago ako umalis, i texted Chance na mag-mall ako. Ewan ko ba kung bakit ako nagpaalam e pake niya ba? De joke lang. So ayon, kahit jologs tong audi r8, wala akong choice kundi gamitin to. Hassle pag magtaxi pa ako, and hand expedition ni Mama ay nandito nga, wala naman ang susi. Ang talino talaga niya.


Habang nagmamaneho ay may tumawag sa akin, iba ang tunog kaya kilala ko na kung sino.

"Im driving, Chance." bungad ko.

"Hmm, nasa Van Der Valk na ako. Ingat ka, im gonna call you later." aniya sabay baba ng tawag. Corny, ang saglit.

Masyado akong nalibang sa pakikinig ng music kaya hindi ko namalayan na nasa mall na pala ako. Una akong dumeretso sa Spa Island para sa reservation ko. Pag pasok ko ay agad akong sinalubong ng baklang madalas magasikaso sa akin.

"Hello Maddie! Long time no see." ngiting bati niya.

"Busy sa school Egeys, buti ay nagkatime ako." sagot ko bago dumeretso sa area ng masahihan nila.

Nang makaayos ako ng upo ay umalis saglit si Egeys para kuhanin ang gamit niya. Dadalawa kami dito at mukang medyo bata pa itong kasama ko, siguro mga 13 or 14 lang to. Magkakabit sana ako ng earphones nang napabaling ang tingin ko sa babae.

"Ate di ko talaga alam magandang combinatioooooon." atungal niya, she's cute.

"Eh Ma'am, di naman ako pwedeng magdesisyon ng kulay kung para sayo dahil magagalit ka na naman." ani ng babaeng naglilinis ng kukuko niya sa kamay.


Nakabusangot na yung babae kaya napangiti na ako, siguro ay matagal pa naman si Egeys kaya tatayo muna ako.

"Maganda ang green at blue." nakangiting sabi ko sa babae.

"Talaga?" nag-angat siya ng tingin kaya agad akong tumango at ngumiting muli.

"Hmm, blue ang apat na daliri at ang ring finger lang ang green. Its pretty good." pagkumbinsi ko sa kanya kaya agad siyang pumayag.

"Thankyou po!" masayang aniya.

Gusto ko pa sanang tingnan ngunit narinig ko na ang pagtawag ni Egeys sa akin kaya umalis na ako. Pag-upo ko ay agad niyang sinalang ang paa ko sa spa machine at inuna nang linisin ang daliri ko sa kamay.

"Nastress kaming lahat jan sa batang yan, cute niya no? Pero napakahirap mamili sa kulay dahil lahat at gustong ilagay. Hahahahaha" kwento niya patungkol sa babae, siguro ay madalas yan dito.

"Madalas siya dito? Mukang bata pa ah." sagot ko.

"Madalas talaga, minsan nga ay tambay pa." aniya at umiiling pa. Pwede ba yon?

"Sila may ari nito e. Mayaman talaga ang Riva, halos lahat ata ng stall dito ay kanila na. May clothing line may pagkain at pabango." sagot niya kaya napatigil ako, tama ba ang dinig ko?

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon