Chapter 19

201 3 0
                                    

Who are you?....


Maddie's POV

Bumaba kami ng nakaakay sa bewang ko si Chance, nagmumukha kaming kami na talaga dahil sa mga kilos namin, ewan. Dumeretso din kami sa garden, at may inabot ai Chance na paper bag sa Papa niya, ano kayo 'yon? Di niya nabanggit saakin kung ano.


Pagbukas ni Tito ng bag ay napangisi siya at nagpapalit palit ng tingin sa amin.

"What? Dapat ay relo sa macau ang bibilhin ko kaso ay naubos na dahil limited, yan nalang dahil limited edition din yan, Pa." paliwanag ni Chance dahil siguro sa tingin ng Papa niya. Defensive.


"No anak, its not that." iwinagayway pa ng Papa niya ang kamay para makumbinsi ito.


Agad na tumayo si Tito at kinuha ang regalo ko na nasa loob, pagbalik niya ay inilapag niya ito sa lamesa.


"What the hell?" ani Chance kaya napatingin din ako kung saan siya kasalukuyang nakatingin.


"Yes, you got me the same gifts." nawindang ako ng napagtanto kong ganoon nga.


Napakamot sa sintido si Chance nang narinig ang kantyaw ni Sin at Apollo, dumagdag pa si Aeign, Tita Chanveht Tito Jack. Si Luke naman ay prente paring nakaupo at nakikitawa lang.


Maya maya nang makaupo kami ni Chance naglabas na ng pagkain, sabay sabay kami kumain at syempre ay napagkwentuhan rin ang maraming bagay pero hindi naisingit at pagpunta ng Germany ni Chance, hindi ako makapakinig ng maayos dahil may sariling usap sakin si Chance, ako na ang nahihiya dahil nakatingin na samin minsan si Tita Lara, kahit nakangiti naman ay naiilang talaga ako. Naagaw ng atensyon ko ang pagtawag sakin ni Tito Jack.


"Po?" sagot ko.

"Maayos naman ba ang anak ko? Hayaan mo at kung may kalokohan ay sakin ka dumeretso." nanunusot na tonong aniya.


"Pa, diko 'to lolokohin, panalo e." ani Chance na kunwari ay kinikilig pa, hindi bagay.


Nang-aasar siyang tumingin sakin at inilagay pa ang braso sa likuran ng inuupuan ko. Siguro ay hindi masama kung ako ang mang-aasar.


Pinunasan ko ang bibig ko, at kunwaring umubo tsaka ako bumaling kay Tito.


"Don't worry Tito, hangga't gusto ako at gusto ko ang anak ninyo ay hindi makakagawa ng kalokohan 'to." sabi ko sabay tingin rin kay Chance na nakataas kilay na.

"1-1 all hehehe." bulong ko sa kanya habang nagkakantyawan na naman ang mga kasama namin.


Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon