Chapter 6

323 5 0
                                    

Comeback is real

MADDIE's POV

Naging matagal ang pag-uusap namin ni Chance kahapon, hindi rin masyadong nagtagal ay naalala niya lahat, na may nabaril nga. Ngunit hindi niya alam na malala. Tanga talaga siya.

Ngayon ay medyo napaaga yata ang pasok ko dahil maunti pa ang tao, tanging kami palang ni Yllana ang nasa room kasama ang apat pa naming kaklase.

"Do you find Sin cute?" biglaang tanong ni Yllana na ngayon ang nakangiti habang tulala pa. Bahagya naman akong napatawa dahil sa inasta niya.

"Do you like him?" di makapaniwala at natatawa ring pagbalik ko ng tanong. Agad niya akong nilingon. "Oh what's with thay disgust face?" takang tanong ko.

"I asked you kung cute siya, diko sinabing i like him tsh jan ka na nga" sabay tayo nya at mukhang lalabas.

"San punta mo?" tanong ko.

"Washroom then canteen, gonna get some food lang. Be back" kindat niya sakin.

Siguro ay mga magsasampung minuto na akong nagkakalikot sa phone ko ay wala parin siya, padami narin ng padami ang estudyante pero di ko pa nakikita si Christiana at Aeriel. Anobayan.

Maya maya lang ay sunod sunod na pumasok sa pinto, ayon yung feeling F4. Huling pumasok si Chance at agad naman nagtama ang paningin namin, nginitian ko siya at tinaasan naman niya ako ng kilay. Aba't! Aaminin kong naging maayos ang usapan namin ni Chance, iniwan na nga kami ng tatlo niyang kaibigan ng hindi namin namamalayan. Minsan ay nagtatawanan, pero di tulad ng nakaraan na puro sarkasmo ang nangingibabaw.

Nagulat na lamang ako ng kantyaw na nina Sin at Apollo ang narinig ko, tsaka ko lang napansin na sa bakanteng upuan sa tabi ko pala umupo si Chance. Gaya ng sabi ko, limang upuan per row at aapat kami rito kaya sobra ng isa. Ngayon ay hindi na, dahil si Chance na ang umupo.

"Bat ka ganyan makatingin?" tanong ni Chance sakin.

"Bakit ka nanjan?" takang tanong ko at nilingon ang tatlong nasa likod na nakangiti saakin.

"Nabili mo na ba tong bangko?" tanong niya habang nakapangalumbaba. Kaya napataas narin ang kilay ko.

"Hindi. Sinabi ko ba?" sagot ko.

"Oh edi dito ako. Tabi tayo, kesa naman iba ang tatabi sayo" nakangiting sabi niya.

"Feeling. But fine." wala nakong ibang nasagot, di ako mananalo dito.

Maya maya ay dumating nang sabay sabay ang mga kaibigan ko at taka rin silang napatingin kay Chance at sakin. Napuna siguro ni Sin ang tingin nila kaya siya na ang nagsalita.

"Tinamaan ang koya mo!" sabay tawa niya at napangisi naman ang mga kaibigan ko. Si Chance naman ay sumama ang tingin kay Sin bago tumayo at binatukan ito.

"Gago ka, ulul" aniya na nagpatawa saming lahat.  So close na kami real quick?  Hahahaha!

Dumating na ang first teacher namin, never naman akong natuwa sa mga lesson, nakikinig ako pero ewan ba. Di naman ako boblayts no. Self taught mga ganon. Hahahaha

"Okay, what is the longest english word in the dictionary? Anyone?" tanong ni Miss. Sus Tita.

Nagulat ako ng tumaas ang kamay ni Chance dahil kitang kita talaga kasi wala naman ibang tumaas. Alam ko naman ang sagot, tinatamad lang ako. Hahahahahaha

"Yes Mr. Riva?"

"Supercallifragilisticexpialidocious"

Deretso at hindi man lang nautal na sabi niya. Wow, he must be very good at school..

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon