Chapter 8

275 3 0
                                    

Nurse

MADDIE's POV

Pagdating sa Laville ay deretsong nagpunta sa unahan si Chance. Nandon narin ang lahat kaya hindi siya nahirapan pang magutos na lumabas na sila. Nanatiling nakahawak ang kamay niya sa kanyang balikat, takang tumingin naman sakin ang mga kaibigan niya at para bang nakapagsalita ang mata nila at tinanong kung anong nangyari.

Umupo ako sa unahan katabi ni Luke at naghintay sa sasabihin ni Chance.

"Siguro ay nadinig nyo ang pagsabog kanina sa school. Ang Fuego ang may pakana." Deretso niyang sabi habang nakaupo din sa may unahan ngunit mas mataas samin. Nakapatong pa ang kanyang siko sa tuhod.

"Si Muelo, kasama si Kevin. At ang dati nilang pinuno, si Harris kasama naman si Blue at nasa school din." pagpapatuloy niya sa sinasabi  "Gusto ko kayong maging handa sa biglaang pagsulpot nila. Panigurado ay target nila ako at si Snow." huminto siya at tumingin sakin.

Halatang pagod dala na ng sakit narin ang kanyang mukha, pakiramdam ko tuloy ay pati ako ay nabaril dahil halos maramdaman ko ang sakit. Akala ko kanina ay bahagyang daplis lang, hindi pala.

"At hindi ko alam ang magagawa ko sa kanila pag ni isa sa inyo ay napahamak. Lalo si Snow, kaya mataan nyo ang ginagalawan nyo, kung maaari ay pati sa babaeng to." turo niya sakin kaya agad naman akong nagtaas ng kilay sa kanya para ipaalam na naaasar ako. Char char.

"Pumunta na kayo sa kanya kanyang headquarters. Its been a long day for me now, salamat." tumayo siya kaya't tumayo narin ang lahat para magsialisan. Lumapit naman agad sa kanya ang mga kaibigan niya at ako ay nanatiling nakaupo.

Lumapit sakin si Luke at tinapik ako. "Umakyat kana." maikling sabi niya.

"Ha? Eh sa unahan kwarto ko e." sagot ko.

"Alam ko. Pero tawag ka ni Chance at sa taas ang kwarto namin. Aakyat kaba o ipapabuhat kita?" sagot niya kaya agad akong tumayo at sumunod ng akyat sa kanya.

Pagdating namin sa kanilang kwarto ay agad kong namataan si Chance na ginagamot ang sariling sugat. Bakit ka topless!

Tumingin siya sakin habang deretsong nililinisan ang sugat. Ngumuti naman ako.

"Ano bang nangyari sayo? Akala ko e mauuna kayo dito, naunahan pa namin kayo." tanong ni Apollo kay Chance.

"Nabaril nga." sagot ni Chance, napakapilosopo.

"Nakikita ko." sagot naman ni Apollo. Ang sakit nila sa ulo!

"Eh bakit ka nagtatanong?!" singhal ni Chance sa kanya at nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya dahil sa sakit na iniinda.

"Ako na." lumapit ako sa kanya at inagaw ang bulak na hawak niya.

"Ayooooon, ayon ang gusto kaya nagpabaril!!!!" pambubulas ni Sin kaya agad silang nagtawanan, nakapikit naman si Chance at nakasandal pero napatawa na rin.

"Sorry." sabi ko dahil alam kong nasasaktan talaga siya.

"Kanina ka pa."

"Yiiiieeeee nag-uusap sila!!!!" sigaw ni Sin at tinuro turo pa kami. -.-

"Lumabas na nga kayo." ani Chance.

"Ayon, gustong solohin. Hinde! San kame pupunta? Dito lang kami!" katwiran ni Sin. Si Luke naman ang nadinig kong unang tumawa. Wow, first time.

"Doon nalang kayo sa kwarto ko." natatawang sagot ko.

"Ayon, napagtulungan tayo ng mga gustong magsolo. Leche, tara na!" si Sin naman ang sumagot.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon