BD-52

230 2 5
                                    

Sin's POV

Mula sa bar ay pinilit naming maiuwi si Maddie sa condo niya. Maging sina Yllana, Aeriel at Christiana ay nandito na rin. Pilit pinapakalma ang kanina pang umiiyak at hindi nagsasalitang kaibigan. Si Chance ay panandaliang umuwi, aniya'y may importante lang na gagawin at babalik din.

"Damn it, Maddie. Stop crying!" anas ni Yllana sa kaibigan.

Halos lahat kami ay umalo na sa kanya ay pinapatigil sa pag-iyak pero hanggang ngayon ay ganyan siya. Nakaupo sa sahig, nakasandal sa pader ay nakatuwid ang paa habang nakapikit at tahimik na naiyak.

"Cmon Maddie, lets go get some rest." ani naman Aeriel.

"Let her. Crying is good for the soul." sabat ni Christiana kaya sabay sabay kaming napatingin sa kanya.

"Holy. Totoo?" tanong ko at tinanguan nya lang ako "Huhuhuhuhuhuhuhu!!! Aray ano ba!" sigaw ko ng batuhin ako ni Apollo ng magazine.

"Tarantado!" tatawa tawang aniya, maging si Luke ay natatawa din. Bakit ba?!

Unti unting kumakalma si Maddie, nakalapit parin sa kanyang harapan si Yllana at Aeriel. 'Tong si Christiana, nag-asawa lang, nakalimot na sa kaibigan! Parang si Apollo! People!!! Maya maya ay nadinig namin ang pagbukas ng pinto, parang gustong pumatak ng luha ko ng sa wakas ay dumatin na si Chance.

Siniko ko si Apollo at agad siyang napatingin saakin habang ako ay nakatingin kay Chance na papalapit kay Maddie.

"Lah puta pare. Live show!" sabi ko at mahinang pumalakpak.

"Umuwi ka na nga." bulong rin niya.

"Edi ikaw. Ikaw nakaisep e." sagot ko at lumayo sa kanya, nanganganib ako sa lapit nya. Badtrip!

Tinitigan namin si Chance na nagsquat paupo sa harap ni Maddie. Kusang umalis naman si Aeriel at Yllana sa gilid nila para makapagusap sila ng pribado. Tutyal.

"Oh ano? Wawents ka." bulong ko kay Yllana nang lumapit siya sakin at sumandal sa braso ko.

"Anong wawents?!" pabulong niyang singhal.

"Di mo naman napatigil umiyak." Nakangisi kong tugon.

"Di rin naman yan mapapatahan ni Chance. I bet." aniya at ngumisi rin.

"Fine. Dinner. Deal." sabi ko at pinanuod sina Chance at Maddie.

Pag yan di mo napatahan Chance malilintikan ka saken! Taghirap ako, kailangan kong makalibre ng hapunan tol!

Maya maya lang ay nakangisi kong nilingon ang nakasimangot kong girlfried nang makita namin malumanay na yumakap at pumikit si Maddie sa balikat ni Chance habang nakayakap at tigil na sa pag-iyak. Saglit kaming nilingon ni Chance at nginitian ng akayin niya papasok si Maddie sa kanyang kwarto.

"Hmmm kagutooom." pagpaparinig ko kay Yllana.

"Kumain ka mag-isa mo!" singhal niya at naupo sa sofa. Napatawa nalang ako.

Ilang saglit lang ay lumabas na si Chance mula sa kwarto ni Maddie at maingat itong sinara. Nakangiti niya kaming binalingan ng tingin habang hinuhubad ang coat na suot.

"Salamat, ah?" aniya "Maiwan na ako dito, mag-uusap kami ni Maddie. Nagiinarte." dagdag pa niya at natawa.

"Oh pano? Una na kami." ani Luke at kumaway pa kay Chance, tinanguan nalang niya ito.

Sumunod na nag-paalam si Apollo at Christiana. At syempre, kami ang pinakang cute kaya last kami ;)

"Alis na din kami, tol."

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon