BD-40

211 1 0
                                    

Maddie's POV

Hindi ako pinatulog ng nangyari kagabi, napakadami kong bagay na nakalimutan dahil doon, pati pagtulog ay nakalimutan ko rin. Alas singko palang ng umaga ay lumabas nako ng kwarto para magkape at nang maalala ko ang Grand Opening ng Closet ngayon sa Megamall ay agad akong napasapo sa sarili kong katangahan. Bakit ko nakalimutan? Paskong pasko, Maddie!

"Good morning." napaangat agad ako ng tingin, si Chance pala.

"Hmm, morning." hindi na ako nagabala na tingnan ang gagawin niya pero nadinig ko nalang ang pagkalampag ng kutsara sa tasa kaya nalaman kong nagtimpla siya ng kape.

"You're up early." aniya pagupo sa tapat ko.

Mahaba ang lamesa sa kitchen, so i am not that bothered. Lah paano.

"Yup. I forgot its our grand opening day." kibit balikat ko habang tutok ang mata sa laptop sa email.

"At Christmas time?" inosente nyang tanong kaya tiningnan ko siya.

"At Christmas time." sagot ko bago muling ibaling ang pansin sa ginagawa.

Naubos ang oras ko sa pagaayos ng nga confirmation emails, I've got visitors from my branches in France and New York, the managers of course and some friends. Buti ay naayos nadin ng secretary ko ang mga dapat ayusin. From the priest na magbless ng shop upto the restaurant kung saan dederetso after the ribbon cutting. Minus stress, i should say.

Unknown Number calling...

"Hello?" bungad ko.

Kitang kita ko ang pagbaling ng mata sakin ni Chance na nung una ay tutok lang din sa kanyang laptop.

"May i talk to Miss Collings please?" ani ng babae na nasa linya.

"Yes, this is Maddie Collings speaking."

"I would just like to inform you that we've reserved the whole place for today's event Ma'am. Im Macky from Contis resto po." paliwanag niya.

"Oh right. Thankyou so much Macky. It will be perhaps late lunch. My staff will inform you. Thanks." sagot ko at pinutol na ang tawag.

Sa muling pagharap ko ay nakita ko ang nagtatanong na tingin ni Chance kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" masungit kong tanong habang inaayos ang laptop.

"Sino ang kausap mo?" tanong niya at sinara na rin ang laptop. Gaya gaya.

"Macky?" patanong na tono kong sagot. "Why Mr. President, does the name hits you?" nanunukso kong tanong.

Tumayo siya at nilagay ang tasa na ginamit sa lababo na nasa likod ko lang.

"Why are you talking to her then?" tanong niyang muli.

Is he thinking that i talked to Macky as in his girlfriend?

"Why? Does it matter?" nanunukso kong anong na para bang si Macky talaga ang kausap ko, kapangalan lang naman.

"Im asking you and answer me properly. Why did she call you?"

I cant resist anymore so i faced him and let a little laugh out.

"May sinabi lang Mr. President." totoo naman!

"Ano nga iyon?" pangungulit niya.

"You're unbelievable!" singhal kng natatawa pa rin. "Did you honestly think i am talking to Macky?" medyo pinaurong ko siya ng ilagay ko rin sa lababo ang pinagkapehan ko.

"I mean, yes i am talking to Macky, but the one that's working on Contis. Not your girlfriend Mr. President." sabi k; habang nagliligpit.

Pagharap ko ang nagsisi ako. Sana pala di nalang ako humarap.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon