BD-50

182 2 7
                                    

A/N

Aaaah, my 50th chapter :( We've gone this far!!! This story will only have 60 chapters... But don't worry! I might put special chapters hahahaha "might". Aaaanddd, i have a new up coming story, it's entitled You Again and im looking forward  for your support as much as what  you've give to Beautiful Distraction! Much love everyone!!! Drop the mic, booom! :D

Christiana's POV

Aaaaand, we're back!!!! Finally! After our month long gala, we're finally home. And coming back home means a mini get together again with the barkada. Syempre! Early bird si Aeriel at Luke dahil napalapit ng condo nila dito, like tatlong tambling lang! Si Sin at Yllana ay sabay rin dumating na may dala pang wine. Lasingan agad haaa. At syempre, dahil pabida si Chance at Maddie, inaasahan na namin na huli silang dadating dahil hindi naman sila nawawalan ng pasabog, pabida nga e.

"Oh ano?! Ninang na ba kame ha?!" natatawang tanong ni Aeriel at umapir pa siya kay Yllana.

"Malay ko!" sagot ko na ikinabigla nila.

"Hahahahaha! Joke! Basta, wag kayong excited!" sagot kong muli kaya sinamaan nila ako ng tingin "Oh ano?!"

"Magbuntis ka na!" sigaw ni Yllana kaya lalong natawa si Apollo.

"Oh edi ikaw na magbuntis! Maalam ka pa!" sagot ko at napuno na naman ng tawanan ang garden.

"Whooo mabagal ka pare." kantyaw ni Luke kay Apollo na nginisian lang sila.

"Mamatay na ang mabagal." nakangisi parin na anas niya habang nagkikibit balikat pa.

"Baka baog ka brad." sabi naman ni Sin na agad naambahan ng suntok ni Apollo "Kalma brad kalma!!!" ani Sin habang nakaharang ang dalawang braso sa muka.

Nagtatawanan kami ng bigla kaming sabay sabay na napalingon sa likod dahil sa may nagbukas ng pinto.

"Preee!! Imissyou!!!" sigaw ni Apollo kay Chance na nakapamulsa habang naglalakad palapit saamin "Wow taas ng araw!" kantyaw pa ni Apollo dahil sa shades ni Chance.

"Ulul." tanging sagot ni Chance bago bumeso saakin.

"Asan si Maddie?" tanong ni Luke at tumuro lang si Chance sa ewan ko sa kanya.

Bumebeso at yakap palang si Chance kina Yllana nang napansin namin ang pagdating naman ni Maddie.

"Oh my god, Maaads!!" sigaw ko at patakbong lumapit sa kanya at yumakap.

"How have you been?" tanong niya at umalis sa pagkakayakap.

"Fine is an understatement!" natatawa kong sagot.

Ang inaasahan ko ay sasagot pa siya ngunit nawala ang tawa ko nang makita ko ang matamlay niyang ngiti. Inaya ko siya papunta sa garden kung saan madalas kaming tumambay. Pagdating naman namin doon ay ngumiti lang siya sa lahat bago naupo sa tabi ni Luke... What the hell?

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon