Chapter 18

210 2 0
                                    

Its Chance..

Maddie's POV

Paggising ko ng Linggo ay pangalan ni Apollo ang bumungad sa cellphone ko para ipaalala na susunduin nya ako mamayang alas kwatro pagpunta kina Chance, kagabi ay hindi na kami muling nagkausap ni Chance kaya hindi ko narin nabanggit na inimbita ako ng Mama niya, siguro ay diko narin mababanggit talaga dahil nasa eroplano siya ngayon at alas kwatro pa kami makakapag-usap.

Mas maaga kaysa noon ang naging pagbangon ko, dahil parating nga si Kuya Axel mula Germany, sa susunod ay ako naman ang maglalayas. Hahahaha joke lang.

"Oh anak, parating na daw ba ang Kuya mo?" tanong agad ni Manang pagbaba ko.

"Opo Manang, siguro ay mga alas otso ay nandito na yon. Si Kuya Gardo ba ay pinapunta mo na sa airport?"

"Oo, kaaalis lang. Mamaya ka na kumain, sabayan na natin ang Kuya mo. Oh gatas." aniya sabay abot sakin ng baso na may gatas

Habang iniinom ko ay nag-iisip ako ng matinong pang-regalo sa Papa ni Chance, birthday daw e. Malay o ba at naging imbitado ako. Maya maya lang ay tumunog na ang phone ko dahil sa natawag.

Apollo calling...

"Oh?"

"Sabi ni Tita Lara susunduin kita ng 3:00 dahil alas kwatro ang lapag ng private plane ni Chance. Surpresa ang gusto ni Tita, corny diba. Hahahaha" aniya kaya napatawa nadin ako.

"Private plane? Bakit private?" tanong ko dahil napakaarte naman niya.

"Alam mo naman kung ano ang idinayo ni Chance doon hindi ba." sagot niya.

"Tss, oo sige. Hihintayin nalang kita." sagot ko sabay baba narin ng tawag.

Nawala sa isip ko na baril ang idinayo niya sa kanilang kompanya, kaya siguro nakaprivate plane din siya. Pagkatapos ng tawag ni Chance ay di nakaregister na numero naman ang tumawag, wow daig ko pa sekretarya ha.

09171121*** calling...

"Hello, who's this please?" bungad ko

"Maddie, Iha. Tita Lara ito." pormal ang tono ng pagsagot niya kaya medyo nabuhayan ako. Paano

"Ay Mrs. Riva siya po pala." kunwari'y gulat na ani ko.

"Masyado kang makakalimutin anak, Tita Lara na lang." aniya sabay tawa. Wtf Anak?!

"Ah yeah, Tita ano po pala iyon?" tanong ko

"Siguro ay nabanggit na din sayo ni Apollo, sana ay hindi mo pa nababanggit kay Chance ang tungkol sa pagpunta mo rito. See you later, dear." aniya sabay baba ng tawag.

Okay, so bawal na pala talaga magback out dahil nakakahiya ang Mrs. Riva kung ako ang hindi pupunta gayong siya ang personal na nangimbita sakin, astig ko naman.

Nang nag-alas otso ay nagtext na si Kuya na malapit na sila, bakit ang bilis ata ng oras. Hindi rin naman nagtagal ay may bumusina na rin sa tapat at alam kong si Kuya na iyon, dali dali akong lumabas para masalubong siya.

"Kuyaaaa!" takbo ko sabay yakap sa kaniya

"Ahhhh im hungry!!!" bungad niya at hinalikan ang ulo ko.

"Wow, no imissyou? No hi to your sister ha Kuya?" sarkastiko kong sagot sa kaniya.

Nang makapasok kami sa loob ay sobrang dami nyang kwento, napakaganda daw sa Germany, nagpunta daw siya isang beses saglit sa Phantasia Land kaya nakasakay daw siya sa mga rides, jusko Kuya, nakakahiya ka.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon