Chapter 26

219 0 4
                                    

Birthday Gift...

Maddie's POV

Kagabi ay hindi ko inaasahan na pag-uwi ko galing sa paghahatid namin kay Chance ay nasa bahay na sina Mama at Papa. Masaya naman, pero ang naging pagsalubong ko ay medyo matamlay. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ay pagod. Hinayaan na muna nila akong magpahinga pagkatapos ng kwentuhan namin saglit.

Bumaba ako ng nakaligo at ayos na, wala akong planong lumabas ngayong araw pero naalala ko si Chance, kahit sa hapon na siguro iyon. Pagbaba ko kanina ay naghahanda na si Mama ng pagkain, humalik ako kay Papa at kina Kuya, huli kay Mama. Umupo ako at agad akong binalingan ni Papa.

"Do you have any plans for today iha?" aniya.

"Hmm, mamayang hapon Papa, bibisita kami sa kaibigan. Saglit lang naman." sagot ko.

Umupo na si Mama sa gilid ni Papa at sa tabi ko, kumuha na kami ng pagkain pero naguusap parin si Mama at Papa para sa debut ko. Tss.

"Anak, how about throwing a party at a hotel? Pwede kong asikasihin yan. Tutal, ita my vacation period and your Mama and Kuyas are willing to help of course." mahaba nyang sabi habang nakuha ng pagkain.

"Pa, Ma like I've said, ayoko ng malakihang party i just want it here. Kung may party man ay ayoko ng 18 18 something, that's too mainstream." pagdadahilan ko.

Alam kong hindi sila papayag ng ganon, masyado silang magarbo sa buhay, siguro din dahil nagiisa akong babae.

"Maddie, isang beses lang yan no. Sundin mo na si Papa." suhestyon ni Kuya Axel.

"Ikaw na magdebut Kuya." sabi ko kaya tinawanan siya ni Kuya Zach, maalam pa kasi.

Pagkatapos kumain ay natipon kami pare pareho sa sala, at gaya ng inaasahan ko hindi talaga papayag si Mama at Papa, tanggi ako ng tanggi, pilit sila ng pilit.

"Okay fine, ikaw ang masusunod anak, after all, itnis your party." pagsuko ni Mama kaya napangiti ako.

"Starting tomorrow we need to finalize everything, this coming Thursday na yon at Sunday na bukas." sabi ni Papa.

"I'll take care with the physical arrangements, tables and chairs ako na ang cocontact." presinta ni Kuya Zach.

"Edi ako na sa pagcontact sa catering."  sabi naman ni Kuya Axel

"I'll go with you anak."  ani Mama kay Kuya Axel.

"So financier lang ako?" biro ni Papa kaya natawa kami.

"Eh anong aasikasuhin ko?" tanong ko dahil lahat ay nasalo na nila.

"Wala ganyan ka lang." biro ni Kuya Zach kaya binatukan siya ni Kuya Axel.

"Invitation bugarets." sabi ni Kuya Axel.

Siguro naman ay hindi lalagpas sa 40 or 50 ang bisita ko, ayoko ng masyadong madami, ang sikip sa mata. Hahaha

Mga alas diyes ay nainip ako kaya nagpaalam ako na may pupuntahan, dapat ay sa hapon pa talaga kaso ay naalala ko yung sugat niya na dapat linisin, hindi naman niya kaya iyon. Hiniram ko ang expedition ni Papa at nagdrive papunta sa bahay nila. Paano ba ako makakatupad sa kundisyon ni Muelo kung ganito ang sitwasyon, bukod don ay hindi rin ako sigurado kung kaya ko. Sana. Sana.

Habang nagdadrive ako ay may natanaw akong pamilyar na sasakyan na nakasunod sa akin. Ano na namang katangahan to? Huminto ako sa isang nadaanang bakanteng lote at nakita kong huminto ang sasakyan na nakasunod saakin bago ako lumiko, ng mapatay ko ang makina ay bumaba ako. Kilalang kilala ko ang utak nito at hinsi pwedeng sa subdivision pa ako nina Chance huminto dahil sa mga inutil na to.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon