Chapter 7

275 5 0
                                    

Saved

MADDIE's POV

Pagbalik namin sa may corridor para makibalita ay tsaka lang nya tinanggal ang pagkakaakbay.. Myghad bat mo tinanggal! Joke lang. Hahahaha

Ayon nga, madami ang pulis na dumating, pati ang may-ari ng school ay namataan ko na rin, muntik akong matomboy sa ganda niya. Seryoso. Nakita ko rin ang mga kaibigan ko kasama ang mga  kaibigan ni Chance. Well, kaibigan ko rin naman na magkakasama. Buti ay di sila naghiwa-hiwalay.

"Chance, lapit lang ako sa kanila" bulong ko sa kanya pero di niya ko nilingon dahil deretso siyang nakiking sa report ng pulis habang nakapamewang pa.

Mabuti rin at di na siya lumingon dahil masyado palang malapit ang muka ko sa kanya dahil sa pagbulong. Aalis na sana ako kahit di pa siya nasagot ng hilahin niya ang palapulsuhan ko.

"Stay with me" kunot noo ngunit di nakatingin na aniya.

OH GOOD LORD.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Jusko jusko, hawak parin niya ang pulsuhan ko habang nakikinig pa rin. Wala nakong nasabi, basta't nanatili ako. Kingina naman e.

Maya-maya ay gumalaw ako ng kaunti, nakakangalay. Pero di ko inasahan ang pagbitiw din ni Chance sakin. Pero mas di ko inasahan ang kamay niyang naramdaman kong dumulas na lamang sa aking bewang.

TANGINA NAMAN CHANCE E!!!!

Hindi ko na talaga kinakaya, feeling ko ay kasing pula ko na ang suot kong doll shoes. Ang init bigla ata dito. Whooooo inhale, puro inhale!! Literal na naging mabagal ang paghinga ko, Chance jusko tanggalin mo yan, kinikilig nako! JOKE.

Naging mabait ang kapalaran sakin, pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil tinanggal na ni Chance ang pagkakahawak sa bewang ko dahil lumapit siya sa may-ari ng school at bumeso. Close sila?

"I heard what happened, ayos ka lang ba?" tanong ng may-ari sa kanya. Lah.

"Ma, muka bang ako ang nasabugan?" sagot ni Chance sa..... Ma?

"Hindi naman. Pero tinatanong ko kung ayos ka lang ba.... Jan sa babaeng kasama mo?" namuo ang ngisi sa bibig ng Mama ni Chance, so sila ang may-ari? Malamang Maddie diba.

Agad naman akong nilingon ni Chance at hinigit para pumantay ako sa kanya. Ayan na naman siya sa pahigit higit niya!!!

"Ma, this is Maddie Collings." pakilala niya sakin at hinapit na naman ang bewang ko. Agad naman akong napalingon sa kanya. Ano ba to!

"Classmate ko." pahabol niya pa.

"Ah hello po Mrs. Riva. Its nice to finally meet you" ngiti ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin at bumaling kay Chance.

"Anak, its okay if you tell me she's your girl. I didn't know staring at her a little too much and being her human belt is for you just to be 'classmates'?" nanunukso ang tono niya kaya agad naman siyang sinamaan ng tingin ng ina.

Bumaling sakin si Mrs. Riva at bumeso "Take care of my son, iha" bulong niya bago bumitiw sa pagkakalapit ng aming pisngi.

"Bye son, hope to see you again Mads. Madami pa akong aasikasuhin. Jan na kayo." paalam naman niya kaya kumaway na lamang kami.

Natawa si Chance sa iniasta ng ina pero ako ay nanatiling nagtataka ang tingin sa kanya. Napansin rin siguro niya kaya tumingin din siya.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon