Chapter 14

252 2 5
                                    

Too...


Maddie's POV


Kinabukasan ay agad na narito ang mga kaibigan ko. Chance was the first one na pumunta syempre bukod kay Yllana at Sin na natira dito, ngayon e kami lang dalawa ni Chance dahil pumasok silang lahat. Nang umaga lang kami nakumpelto dahil ditto sila dumeretso, Pero siguro ay parating narin sila dahil hapon na. Nag-aayos nalang kami ni Chance ng mga gamit, ay siya lang pala. Hahahaha.



"Wala ka parin bang kasama?" tanong niya.

"Wala parin, pero I guess Manang's home na rin."


Habang nag-aayos parin siya ay bumukas ang pinto at dumating na ang mga kaibigan ko, ang mga lalaki ay dumeretso kay Chance para tulungan na ibaba ang gamit pauwi. Sina Yllana naman ay umupo sa tabi ko.


"Okay ka na ba?" tanong ni Yllana kaso wala talaga ako sa mood tumugon kaya tumango na lang ako.

"Sipag mo magsalita no?" sabi naman ni Aeriel kaya nagtawanan kami. Ulol talaga

"Hayaan nyo kasi hahahaha." sabat naman ni Christiana.

"Para kayong tanga." sabi ko sa kanila at pumalakpak naman sila dahil daw nadinig na nila ako magsalita. Mga walang kwenta leche. Hahahahaha


Maya maya lang ay sumilip na si Chance sa pinto at sinabing uuwi na, pinauna kong lumabas sina Yllana at nagpahuli na ako, hawak parin ni Chance ang nakabukas na pinto hanggang sa makalabas ako, iginiya niya ako sa paglakad at ang kamay niya ay nasa likod ko. Human belt ha?

Nang makalabas kami ay nasa iisang sasakyan sila, sa trailblazer ni Luke sila sumakay lahat, syempre ay sumunod ako kaso ay hinigit ako ni Chance.


"Sakin ka." aniya.


Napatulala ako saglit sa kanya, para kasing naging doble ang ibig sabihin sakin nung sinabi niya. Pucha hahahahaha


"Sakin ka sasakay sabi ko, dun tayo sa kotse ko ganon." depensa niya dahil siguro nakuha niya ang tingin ko. Kahiya

Kinawayan siya ni Luke at sinabing susundan kami sa daan kaso ayaw ni Chance, malay ko don kung bakit pinauna na niya sina Luke. Sabagay ay di naman sila maliligaw dahil kasama nila si Yllana, ang tanging dala ko ay ang wallet ko at phone ang gamit ko siguro ay nasa sasakyan din ni Luke, parang sila ang naospital at hindi ako. Hahahaha.

Pagdating naming sa parking ay hinahanap ko ang Ferrari niya dahil yon na ang madalas niyang gamitin ngayon. Pero wala akong makita. Paano. Nang huminto siya sa may Chevrolet na matte black gaya ng dati niyang sasakyan ay napatingin ako sa kanya.


"Bago?" tanong ko.

"Hmm, nung nagmall rin ako ay yan na ang kinuha ko, paborito ko ang sinira nila kaya kapareho nalang ang binili ko " kibit balikat niyang sagot at pinagbuksan ako ng pinto.


Umikot siya papunta sa driver's seat at kinabit ang seat belt ko, pwede naman ako na ang magkabit nagpapakahirap siya.


"Para-paraan pala." panunusot ko sa kanya.

"Ulul. Hahahaha, kain tayo?" aya niya,

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon