Chapter 11

252 6 2
                                    

For You...

Maddie's POV

Pagkauwian sa hapon ay agad akong dumeretso sa kwarto. Ako na naman mag-isa sa bahay dahil out of the country si Mama para sumunod kay Papa. Humiling pa ng 1month vacation si Manang kaya i am so home alone.

Agad kong naalala na tatawagan ko si Chance nang tumunog ang cellphone ko sa side table.

1 message

From: 092650*****

Call Chance at viber by 7pm. But still, up to you.

-Luke

Okay? Paano niya nalaman ang number ko.... Ulit?

I didn't bother to reply. Ang ginawa ko ay nag-alarm ng 7pm para sakto. Tho i don't know why i need to call him, still.... I will.

Its friday and malamang Saturday bukas, at anong gagawin ko? Tsk, Mom left me with my laptop and phone. Makakausap ko ba ito? Its only 5:35pm so i decided to take a bath. Pagkatapos ay kakain na ako para tuloy tuloy na...

Habang naliligo ay hindi ko maiwasan isipin ang napagusapan namin ni Chance. He said he likes me, diba? Am i hallucinating kanina at hindi ko lang nadinig yung sinabi niya? Plus, what Apollo and Sin said, bakit naospital si Chance? Was he sick? And of course ang sinabi ni Luke about Chance leaving for Germany, i wonder what is he doing there. I mean, is it for good or whatsoever.

After thinking tons of things, natapos na ako. Pagtingin ko sa orasan ay 6:30 na pala. Im in the bathroom for 1 hour then? Bakit parang 5 minutes lang naman? Pagkabihis ko ay bumaba muna ako at umupo sa sofa, i turned on the tv to get rid of my boredom.

"Diba sabi mo mahal mo 'ko? Totoo yun diba?"

Sabi nung lalaki sa movie na natyempuhan ko, so ito muna. Mukang maganda.

"Oo gusto kita, oo mahal kita noon pa. Masaya kana"

Parang pati ako nasasaktan sa kanila. Pogi pa naman nung bidang lalaki. :))) Hihihi.

"Hindi, kasi binawi mo."

"Bakit, kung hindi ko ba binawi sasabihin mo rin bang mahal mo ako?"

"Siguro, baka, pwede..."

Tinitigan ko yung lalaki, may kamuka to e. Yung hugis ng muka tsaka ilong, siyang siya. Kamuka ni Chance.

*krrrrrrriiiiiinnngggg*

Biglang nag-ring ang alarm clock, saktong sakto naman sa pag-isip ko kay Chance. 7pm na pala. Tatawagan ko ba?? Sige na nga!

Hinanap ko ang number ni Chance at nakakailang ring palang, sinagot na niya.

"Hello?" i miss his baritone voice, kahit kanina lamang ang huli naming pag-uusap. Hindi ko alam kung bakit.

"Hoy!"

"Holy!!!!" nagulat ako sa pagsigaw niya.

"Are you spacing out?" tanong niya.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon