Chapter 25

205 1 0
                                    

Kung pwede lang..

Maddie's POV

Yesterday was so tiring, literal ang panghihina ko sa lahat. Bukod sa nangyari sa Fuego, nanghina ako sa mga kundisyon ni Muelo, hindi ko alam kung magagawa ko, dagdag pa ang lagay ni Chance. Hanggang ngayon ay wala siyang malay. Pagkagising ko ay diretso ako ng ligo para makapunta ng ospital.

"He might get conscious later, medyo nakakarecover na siya sa mga nawalang dugo." ani ng Doctor bago umalis.

Kagabi ay dito ako nagderetso, kung sa kanya ay maraming dugo ang nawala, sa akin ay luha. Inuusap nila akong lahat tungkol sa nangyari pero wala akong maisagot, si Luke lang ang may alam. Ayokong gawin dahil masakit sa kin, tangina sino naman gugustuhin gawin yon?! Sabihin nyo sakin kung sino, ipapasa ko.

"Maddie, kumain ka muna." yaya sakin ni Yllana.

"Busog ako, kumain ako sa bahay." tanging sagot ko habang hawak ang kamay ni Chance.

Alam niyang nagsisinungaling ako sa sagot ko kaya iniwan niya ang pagkain sa gilid na lamesa. Parang ayokong bitawan at alisin ang pagkakahawak ko kay Chance, ayokong ito ang huli dahil kina Muelo. Masyado akong maraming iniisip pero parang nabuhayan ako ng maramdaman ko ang paggalaw ng Chance.

"Yllana, Sin, tawagin nyo si Doc." sabi ko at tumayo para masilip si Chance.

Nang makatayo ako habang hawak parin siya ay sinisipat ko ang muka niya, gusto ko siyang halikan na ewan, tangina ano ba to. Unti unting nagmulat ang mata niya, nang makitq niya ako ay idiniin nya ang hawak sa kamay ko bago ngumiti.

"Chance..."

"Badtrip, ang ganda mo." mahinang aniya at sabay kaming napatawa.

Chineck ng doctor si Chance pagdating niya, medyo may biniling lang siya at sinabing mamayang gabi ay pwede ng umuwi si Chance kung gugustuhin pero mas maganda raw kung bukas na. Edi sama dineretso nalang niya na bukas pa pwede.

"Uuwi ako mamaya Doc, salamat." sabi ni Chance na ngayon ay nakasandal nalang sa hospital bed.

"Okay then, I'll leave you two here." ani ng doctor.

Nasaan ba sina Sin? Bakit nawala sila? Tsk.

"Bukas kana umuwi para sigurado." sabi ko sa kanya habang nasa may pinto.

"Di na, kaya ko." sagot niya.

"Sige sabi mo e." pagkikibit balikat ko.

"Lika nga dito." sabi niya at tinapik ang hospital bed. "Tabi tayo." dagdag niya.

Lumapit ako pero sa may bangko lang ako tumayo sa may gilid niya, inabot niya ang kamay ko ang hinili ako kaya medyo napalapit ako.

"Dito sabe." sabi niya kaya pinagbigyan ko na.

Inalis ko ang tsinelas ko at humiga sa tabi niya, humiga rin siya at umusod ng konti para magkasya kami. Sa dibdib niya ako nakahiga habang ang kamay niya ay naka parang yakap o akbay sa likod ko. Ayoko ng ganito, naiiyak ako.

"Namiss kita." sabi niya habang dinidiin ang yakap sa akin.

"Mas namiss kita." matamlay kong sabi.

Sa ganito ako mahina e, ayoko mg ganito ganito lalo't iniisip ko ang pangatlong kundisyon. Ayoko, parang ngayon palang ay nasasaktan nako. Pumatak ang luha ko kaya di na muna ako nagsalita, ayokong magtaka si Chance kung bakit ako ganito. Nahihirapan ako sa lahat.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon