BD-53

259 2 11
                                    

Maddie's POV

Nagising ako nang maamoy ko ang niluluto sa kusina. Napabangon ako at agad na napapikit nang makaramdam ng saglit na hilo. Sinuot ko ang tsinelas at dumeretso sa banyo para magsepilyo. Napatigil pa ako at napatingin sa salamin.

Oh holy, nandito nga pala si Chance!!!

Dali dali akong naghilamos ng mukha at nagpalit ng damit, pagtapos ay inayos ko ang akimg sarili. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang huminga ng malalim bago lumabas. Hindi ba't condo ko ito?! Nawawala na ko sa sarili, bwiset nawala sa bokabularyo ko ang salitang relax lalo na ng maalala ko ang nangyari kagabi. Jesus christ, spare me pls :(

Paglabas ko ng kwarto ay dumeretso ako sa kusina, mariin pa akong napapikit at napakagat sa ibaba kong labi ng makitang nakahubad si Chance. Jusko, my weakness is cooking right infront of me! His broad shoulders are making my knees melt. Parang sa kahit anong oras ay tutulo ang laway ko... Tangina?! Anong sinasabi ko?!

"Good morning." nabalik lang ako sa ulirat nang magsalita siya "Lets eat?" aniya at iniusod ang bangko para makaupo ako.

"Hmm. Goodmorning." sagot ko at naupo habang nakatingnin parin sa kanya.

"What's with the stare?" seryosong tanong niya at naupo.

"Pwede bang magdamit ka?"

"Bakit?" inosente nyang tugon.

"Anong bakit?! Magdamit ka." sagot ko at umirap.

Tatanong tanong pa ng bakit! Alangan sabihin kong nadidistract ako! Sira na ulo niya.

"Alright." aniya at hinablot ang puting shirt na nakapatong sa isa pang bangko. "My baby doesn't want me topless." dagdag pa niya kaya nakasimangot akong tumingin.

"Di na ba pwedeng magjoke?" tanong niya ng makitang masama na ang tingin ko.

Hindi na ako sumagot. Dahil si Chance ang taong hindi titigil hanggat magsasalita ang kausap. Nagtataka ako kung paano siyang nakagawa ng pancake e wala naman akong gamit na ganyan dito. Habang nakain ay hindi ko maiwasang balingan ng tingin si Chance, gusto kong magtanong kaso ayaw ko. Paano!

"Are you seducing me?" seryosong tanong ni Chance habang deretsong nakatingin saakin. Naniningkit ang matang tumitig din ako sa kanya.

"You wish."

"Hmm, i always do." nakangising aniya at tatango tango pa "Stop licking your lips, baby." nakangisi paring dagdag niya.

Bigla ay para akong nahiya kahit di ko naman talaga intensyon iyon!

"By the way, yung kagab---" hindi niya naituloy ang sasabihin ng itaas ko ang kamay ko senyales na tumigil siya.

"Aaahh anoba!!! Wag na wag na!!" sigaw ko at nagtakip pa ng tenga. Napalingon ako sa kanya ng lingunin niya ako habang tatawa tawa pa. "Ang sarap mong asintahin jan."

"Im not talking about the kiss." nakangising aniya "Pero kung gusto mong yun ang tukuyin ko ay pwede rin." dagdag pa niya kaya nabato ko siya table napkin.

"Hahahaha! Kumalma ka nga!" aniya at pinunasan ang syrup na umamos sa may labi ko. Messy!

"E ano ba kase yon." malumanay at napapahiya kong tugon. Saglit pa siyang tumawa ngunit tumigil ng makitang nakataas na ang kilay ko.

"Bakit ka ba iyak ng iyak kagabe?" pauna niyang tanong.

Naging malikot ang mata ko habang nag-iisip ng isasagot sa kanya. Jusko, tulong.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon