Chapter 33

164 1 0
                                    

No good in goodbyes..

Maddie's POV

Napatayo ako sa pagkakahiga ng nadinig ko ang sunod sunod na sigaw sa labas ng bahay. Alas otso palang ay nagiingay na? Masyado naman nilang nilulubos ang New Year's Eve. Dumeretso ako sa bintana at doon ko nakita si Luke na pumimigil kay Chance. Ano bang ginagawa nya jan? Nang makita kong lumabas na sina Kuya ay nanakbo ako pababa.

Pagbaba ko ay agad na nagtama ang paningin namin ni Chance dahilan para marahas niyang higitin ang braso nyang hawak ni Luke. Takang nilingon ako nina Kuya at bumaling kay Chance.

"Andami mong pasa!" nag-aalalang sigaw ni Kuya Axel.

Nagtataka man ay diko nagawang lapitan siya. Nanatili ako sa pinto habang tinitingnan siyang papalaput saakin.

"Hanggang jan ka nalang." pigil ko sa kanya.

Labag man sa loob ay tumigil rin siya at napahilamos nalang sa muka. Sinenyasan ko sina Kuya na pumasok muna at hayaan na muna kami. Si Luke ay sumunod kay Chance para muling higitin pero nagpumiglas parin ito.

"Luke ano ba! Hayaan nyo naman ako magpaliwanag." nanghihinang aniya.

Kita ko ang pagod sa mata ni Chance, dama ko rin ang sakit na dala sa mga sugat niya sa muka. Maging si Luke ay napuna ko na mayron ngunit hindi kasing lala ng kay Chance.

"Nagsapakan ba kayo?" tanong ko sa kanila at inisnaban lang ako ni Luke.

"Hear him kahit ngayon nalang Maddie."

Wala akong pinarinigo kahit pinakita man lang na reaksyon sa kanila. Regardless of how much i wanted to know the explanation, pero sarado ang utak ko ngayon at aminado ako doon. Nadala nalang ako sa naging emosyon ni Chance, naglakad siya papalapit saakin at lumuhod sa harap ko. Pilit akong tumitingin sa itaas para mapigilan ang pagpatak  ng luha ko. Masakit...

"Pare, tumayo ka jan." ani Luke mg lumapit siya ky Chance at pilit itinatayo, ngunit tumigil na ng maramdamang wala sa plano ni Chance ang tumayo.

Napapaluhang tumingin ako kay Luke at tipid na ngumiti. Unti unti akong lumuhod kapantay ni Chance at inangat ang muka niya, hindi ko inalis ang hawak ko sa kanyang mukha at tinitigan sya habang umiiyak parin.

"Stop this Chance, please."

Napayuko ako ng gulat siyang napatingin saakin, sinuklay niya ng madiin ang buhok niya sabay tumayo at tumalikod kaya tumayo narin ako habang naiyak pa rin.

"Tangina Maddie?! Yun na yon? Hindi mo man lang papakinggan ang paliwanag ko?!" sigaw niya.

Lalo akong naiyak nang makita ko ang frustration sa mata nya. Damn it.

"Magiging tapat ako Chance at sasabihin kong sarado ang isip ko para makapakinig sa dahilan mo."

Kahit nagmamatigas ay hindi ko maiwasan ang pag-iyak. Nasasaktan na naman ako, kailan ba titigil to?

"Konting panahon, Maddie! Konting panahon ang hinihingi ko. Madinig mo man lang, ayos ako." aniya pasigaw.

Ayoko ng sumagot at nanatili ang mata ko sa kanya habang tuloy tuloy ang agps ng luha. Kahit nasasaktan ako ay pakiramdam ko nagiging doble dahil kay Chance. Gusto iong intindihin, pero pag talaga yata nasasaktan ka ay wala kang maiintindihan.

"At kapag ikaw ang magpapaliwanag ay magaling ka?" sarkastikong aniya.

"At kapag ikaw ang magagalit, ang galing mo?!" ganti kong sigaw.

"Galit Maddie?! Ganito ang galit sayo?! Aba tangina! Nagalit ba ako ng malaman kong aalis ka? Ilang araw ang lumipas may nadinig ba akong paliwanag sayo?! Tangina, tell me did i get fucking mad at you?!"

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon