BD-54

227 3 6
                                    

Luke's POV

Halos sabay sabay ang naging pagtawa namin nang kunot noong humarap si Maddie samin at nagkamot pa ng sintindo.

"Wala bang mas mahirap?" aniya at biglang ngumisi.

Napailing nalang kami at sinundan ang pagpasok niya. Mukang lumang bodega to, madilim pero nagawa kong suriin. Ang tatlong palapag na bodega ay hindi nalalayo sa mga bodegang halos nasunog na, tila madami ang bantay dahil halos lahat ng lingunan ko ay may tao. Swerte nalang dahil kahit madami sila ay apat kami, sapat ang bilang para mapatumba sila. Nagkahiwahiwalay din kaming apat nang isa isang sumugod ang mga bantay, pero ang distansya namin ay sapat para marinig at makita parin ang isa't isa.

"Tanginamo baboy!" natawa pa akong saglit nang matapos kaming makipagsuntukan ay sumigaw si Sin doon sa nakalaban niya, tss tanga talaga.

Ngunit sabay sabay kaming napatakbo sa gawi ni Maddie nang mamataan namin na tatlo ang nakapalibot sa kanya at may apat nang bagsak sa harapan niya. Laking gulat ko nang tingnan ko ang paligid, tag-iisa lang ang nasapak namin at siya apat na?! Lintek! At may tatlo pa? Agad namang tumulong si Sin at Apollo kay Maddie, pinagdadampot ko ang mga baril na nabitawan nila at pinagtatanggalan ng bala, dahil hangal sila, alam kong pag nagising sila at gagamitin nila yan. Matalino parin ako.

"Nasaan si Chance?" ani Maddie sa natirang isa.

"Hanapin mo!" sigaw nito habang naubo ubo pa, ngunit hindi pa man ito nakakatapos ng ilang ubo ay hinampas na siya ni Maddie ng baril sa muka.

"Nasaan si Chance?" kalmadong paguulit nito ng tanong.

"Pare magsalita ka na." pagsabat ko dahil ramdam ko na sa tinig ni Maddie ang galit... At hindi maganda yon.

"Ewan ko, mala--" hindi niya naituloy ang sasabihin nang madinig ang pagkasa ni Maddie sa baril, kahit kami ay gulat na napatingin sa kanya.

"Hindi ka makuha sa tanong!" sigaw niya at itinutok ito sa panga ng lalaki.

"Nasa rooftop! Nasa rooftop!" kabado nitong sigaw at padarag siyang binitawan ni Maddie dahilan para lumakas ang pagkakasalpak niya sa sahig.

"Tangina dalawang floor pa." ani Maddie at tumakbo paakyat ng hagdan.

"Ang asim mo!" dinig ko pang singhal ni Sin bago binitawan ang lalaki.

Yan, yan ang nakakaloko kay Sin. Nanununtok na, namumula pa! Siraulo talaga, kung nandito si Chance, malamang kahit nakikipagsuntukan yon ay natawa din. May mga sapak sila sa ulo e.

Hindi pa man kami tuluyang nakakaakyat nina Sin at Apolli ay dinig na dinig ko na ang pagdaing ng ilang tauhan ni Shainara. Walang ibang ingay kung hindi yoon, napangisi nalang ako nang pag-akyat namin ay may dalawa ng nakatumba at apat ang nanghihina ngunit nakatayo parin. Ang isa ay akmang susugod kay Maddie ngunit mabilis na tumalon paikot si Maddie dahilan para masipa niya ito sa muka.

Ang iba ay sinugod namin at gusto kong matawa dahil kukuha nalang din ng mga bata si Shainara, yun pang mahihina. Ni hindi ko pa man lang naipuputok ang baril ko, at hindi pa nananakit ang kamao ko kasusuntok sa kanila ngunit ganyan na. Ngunit nabura ang pagngisi ko nang mamataan ko ang isang bagong dating na may dalang kutsilyo at tahimik na papalapit kay Maddie na ngayon ay nakatalikod.

"Maddie!" sigaw ko habang nakaturo sa likod niya.

Nakaiwas si Maddie ngunit nadaplisan parin siya sa braso nang ihagid ng lalaki ang kutsilyo, kitang kita ko rin ang pagdaan nito sa braso ni Maddie ang pagkapunit ng jacket niyang leather. Dumaing si Maddie ng sakit dahilan para hindi siya agad na makasugod dito kaya't dali dali kong kinasa ang baril at ipinutok sa lalaking iyon.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon