BD-51

205 3 8
                                    

Chance's POV

Kagabi ay nagulat na lang ako nang magpaalam akong umuwi ay wala na si Maddie. Sabi ni Christiana ay hinatid na daw ni Yllana sa condo dahil lasing daw siya. Bat naman naglasing yon?

Sa totoo lang, nagiguilty ako sa nangyari. Nasasaktan ako sa twing makikita kong nasasaktan si Maddie, i didn't mean what I've said yesterday. At gaya ng sinabi ko kina Apollo, Luke at Sin.. Ayokong madamay si Maddie sa mga iniisip kong problema, kung sakin, edi sakin. Ayokong makadagdag ang problema ko sa sarili niyang problema.

In case you are wondering what is it. Fine, sasabihin ko na. I am getting married.. But i didn't want that. Nobody wants it either. Hindi ko alam na uso pa pala ang fixed marriage sa panahon ngayon. Napakacorny. Kung itatanong nyo kung kailan ko nalaman? Nung isang araw. Kaya as soon as i can, inaayos ko lahat. At anong inuna ko? Syempre, ang pwedeng solusyon sa problemang ito.

I didn't know Mama borrowed money from other company, gayong mayroon kaming sarili. Ngayon ko lang din nalaman, na naloko si Mama at Papa na kasosyo nila sa negosyo. Remember our Gun Company in Germany? Iyon, to make the lonh story short, unti unting nalugi ang kumpanya, without me knowing such things. Makakabangon pa sana, kaso ay nakautang si Mama ng pera sa kabilang kumpanya ng hindi alam ni Papa. Ending? Baon sa utang.

The Lim family who lends money to Mama happened to have a daughter, only daughter. At yung pinipirmahan ko kahapon na pilit itinatanong ni Maddie ay kunektado doon. Gusto kong ibenta ang dalawa sa properties na nabili ko para mabayaran ang utang nina Mama. 6.5 milion, jusko paano?! Ang tino lang talaga ng ermats at erpats ko dahil nakipagkasundo na ipakasal ako sa anak ng pinagutangan nila. Gawin daw bang pangbayad ang anak?! Cute nila diba.

Oh gets nyo na? Wag kayo magalit sakin dahil sa buong buhay ko, isang beses ko lang ipinangarap ikasal, sa isang tao lang. Hindi sayo, syempre kay Maddie.

Alas kwatro na at kanina ko pa hinihintay ang text ni Maddie. Kung hindi ako nagkakamali ay nabanggit niya sakin na magpapasama siya sa akin papunta sa bar nila. Pero kung ganitong oras ay paniguradong nasa office pa niya iyon sa Closet, at mabubwisit lang siya lalo kung bigla nalang akong pupunta don.

Apollo calling...

"Oh?" sagot ko.

"San ka?" mukang nagmamadali niyang tanong kaya napasimangot ako.

"Condo. Bakit?"

"Hindi ka ba pupunta dito? Tara."

"Bakit?"

"Kainan." sagot niya.

"Bakit?"

"Nagpaluto sina Sin e." sagot niya at nadinig ko ang mga tawanan sa background.

"Bak--"

"Kingina isang baket mo pa, iunfriend na kita!!!" singhal niya kaya medyo napatawa ako.

"Bahala na. Susunod ako." sagot ko at pinutol ang linya.

Bakit nga ba baket ako ng baket?! Anak ng.. Ito ang naidudulot sakin ng pagaaway namin ni Maddie e!! Hindi maganda para sakin! Hehehe.

Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako, nagising nalang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

From : M

You free tonight?

Bigla akong nabuhayan nang nabasa ko yung text niya. Pero gaya ng kung paano ako nabuhayan, ganon din ako nanlumo bigla nang bago pa lamang ako titipa ng isasagot ay may nagpop up nang kasunod nitong mensahe.

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon