Chapter 32

164 0 3
                                    

Last...

Maddie's POV

Nagising ako ng may ilang mensahe sa phone ko, inaasahan ko ng sina Yllana yon dahil pumarty daw kami. Party? Timang na yata sila. Pero hindi ako sumagot. Nang buksan ko ang mensahe, nagsisi ako dahil sana pala ay diko nalang nakita.

From: Muelo

1:25 AM

Huling babala Snow, wag ka ng makipagkita kay Chance. Isa pa. Isang isa pa, magkakasa na ako at lalabas na ang bala.

From: Muelo

8:15 AM

Friendly reminder Snow, layuan mo na.

Friendly reminder mo muka mo! Friends ba kami?! Sa totoo lang ay hindi ko maisip kung pano nalalaman ni Muelo ang pagkikita namin ni Chance, nang huli naman akong nagpunta sa kanila ay wala akong napuna na nakasunod sakin. Pero paano niya nalaman? Spy ba siya.

Pagbaba ko ay wala sina Mama, namimili daw pala ng mga dadalhin ko pag-alis. Anobayon? Ako ang aalis tapos ako ang naiwan dito sa bahay? Mahusay.

Nakapagtanghalian na ko at lahat ay wala parin sila, baka nauna na sila sa France. Hahahaha. Maya maya ang tumunog ang cellphone ko at tawag ni Yllana at nakita ko.

"Hello?"

"Maddie." tawag niya.

"Hm?"

"Later. 7pm ha BGC tayo." aniya.

"I'll try Yllana, susunod ako pag kaya pa. Nag-aayos na kasi kami ng gamit. You know what's that for."

Narinig ko ang buntong hininga sa kabilang linya kaya nakonsensya ako.

"Pero susubukan ko naman." dagdag ko para naman gumaan amg loob niya.

"Its okay Mads, i understand. Basta sumunod ka kung kaya mo ha? Ingat." aniya at pinutol na ang tawag.

Isang dahilan na rin ng hindi ko pagsama ay si Chance, naisip ko rin na mali ang ginawa kong pagpunta sa kanila noong pasko dahil parang binalik ko lang sa dati lahat, mas lalo siyang mahihirapan, lalo akong mahihirapan. Hindi naman yung pagpunta ko ang literal na mali, kung may mali man doon ay yon yung mga sinabi ko, dapat ay hindi na ako nagbigay ng motibo na hindi ko gusto tong ginagawa ko. Sabagay ay wala naman na akong plano ipaalam pa sa kanya ang dahilan. Tsaka na.

Pagkaligo ko ay tsaka lang dumating sina Mama. Nagtaka ako dahil wala naman silang dala dala bukod sa groceries para sa bahay, akala ko ba ay namili sila ng para sa akin?

"Naggrocery lang kayo, apat apat pa?"

Nagkatinginan si Mama at Papa dahil sa sinabi ko, anong meron.

"Gusto ko sana ay bibili na kami ng mga dadalhin mo, kaso ang Papa mo ang pumigil samin." kibit balikat ni Mama.

Lumapit saakin si Papa at inakbayan ako, ngumiti lang si Mama at napabuntong hininga sabay isnab sina Kuya. Ang drama!

"Anak, you have a week pa. Baka magbago ang isip mo sa pag-alis. Ang ginastos ko para sa ticket ay hindi problema." ani Papa.

"Pa..."

Beautiful DistractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon