Message

2.3K 44 34
                                    





May naisip lang uli na bagong pagkakaabalahan ko. Hindi ko kase expected na hanggang ngayon, nahuhumaling pa rin ako kay Kaye Cal. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Isa na nga akong ganap na fanatic. Walanjo! Ang dami kong naiisip, nakakaloka! Isulat na lameng sa wattpad para mabasa ng iba kesa solohin ko di ba? Kayo na lang ang humusga kung maganda ba itong ginagawa ko. Libre naman ang magcomment di ba?



Ma-share ko lang ang kalokahan ko sa pagkakahumaling kay Kaye. Mga bagay na hindi ko naman kase ginagawa dati. At hindi ko aakalaing magiging ganito ako. KALOKA talaga!



Tulad nga ng sinabi ko sa profile ko, ngayon lang ako naging fan. Dati facebook lang ang  meron ako. Hindi ko naman masyadong kinahumalingan tulad ng iba. Madalang akong magpost, comment and share. Hindi pa nga ako ang gumawa ng facebook ko eh. OO. Hindi ako. Gawa gawa lang ng aking friend/katrabaho, dahil nahuhuli na daw ako sa uso. So yun nga, hanggang sa ginamit ko na. Andun na eh! Hanggang sa pati yung email at username na lilsweetanica, ginamit ko na. O ayan! Aminado ako, hindi galing sa akin ang username ko. Gawa gawa lang din ng friend ko. Salamat sa kanya at least hindi na ako nahirapang gumawa ng alyas ko, di ba? Galing! OO na! Boring akong tao. Ang hilig ko lang, makinig sa music. Kaya kong tapusin ang buong maghapon sa pakikinig lang ng music. Okay na sa akin ang walang TV o internet, basta may radio o component o stereo pa yan. Basta may cellphone na may music, okay na ako. Tanggal na ang stress at pagod. BUT WAIT!!!!!! 





Year 2009. Yan nung magkameron ako ng FB. Ginawa nga ng kaibigan/katrabaho ko di ba? Dahil wala naman akong internet pa nun, poorita pa kase ako nung mga panahong yon, kung ano lang ang iupload nya sa FB ko yun na yun. Oh di ba! Daig ko kayo, meron akong admin. Hahahaha! Kikay kase sya at mahilig sa mga gadgets so, picture dito picture doon na kasama ako. Iaapload nya sa FB bilang sya naman ang gumawa eh di alam nya syempre ang log in. Tsuk tsuk plak! may FB na si Monica. Yun lang. 





Tapos eto na. Nanonood din naman ako ng TV. Kinalakihan ko na ang panonood ng Channel 2, ABS-CBN. Mula morning show hanggang sa teleserye sa primetime, dun lang nakatune in ang TV namin. Kinalakihan ko na yun. Promise. Kaya ang mga kilala ko lang na artists, taga channel two. So ano na nga..................year 2010. PGT. Nag-audition ang Ezra Band. Tandang tanda ko eh. Kung ano ang reaksyon ni Kris Aquino ng tanungin nya si Kaye. At kung ano ang reaksyon ni Ai-Ai at Kris ng magsimula na itong kumanta. Eh kahit ako! Napa- woah! talaga ako. As in. Gusto ko na agad sya nun. Lalo ko lang inabangan ang PGT ng dahil sa kanya. Buti nga umabot sila sa semis. Aminado ako, hindi din ako bumoto kahit ang panlaban ko lang nun ay prayer na sana manalo sila. Kung mayaman lang ako eh di sana bibili ako ng sako sakong sim cards pang vote sa kanila di ba? Kahit pa sabihing kababayan ko si Jovit Baldovino eh, Ezra band ang iboboto ko.



So yun na nga. Nawala na sila sa limelight after PGT di ba. May ilang guestings sa show ni Kris Aquino at ASAP pero hindi sila nagkameron ng break. Eh di hanggang sa nakalimutan ko na. Tulad nga ng sinabi ko kanina, poorita ako NOON, hahaha! Walang internet pang stalk ng Ezra band. Samakatuwid, normal lang si Monica. Wala ng inaabangan sa TV eh. Dating gawi lang.



Hanggang sa naka-LL na kami. (Nakakaluwag luwag) Year is 2014. Hala! May internet na kami. Canopy pa ang gamit namin, Smart Broadband. Nakaka LL pa lang ih. Mabagal ang net, pero pwede na. Active na ako sa FB, youtube at browse lang ng kung anu-ano. Wala lang, hanggang sa download download lang music para masama sa playlist ko sa phone. Yun lang. Wala namang ibang kinahuhumalingan.



So eto na. Dahil mas nakaka-LL na kami, upgraded si internet oh. From canopy to Fiber agad. Yabang eh. Bakit ba? Story ko to! Hehe. Year 2015. Hah! Mas mabilis na ang internet. Grabe! Walang buffer buffer. Mas masarap gamitin, sa makatuwid. (Tama na ang yabang. Sorry!) Eh di ang inyong Ati ay mas nakapag youtube na ng mainam. Wala pa akong YT account nun. Browse browse lang. Ay biglang tumambad ang isang link ng PGT. Ezra band audition. Hala! Hindi magkandamayaw ang inyong Ati sa pagclick ng link. Bumalik ang aking paghanga kay Kaye Cal. Ay crush na crush ko talaga. Kaganda ng boses ih! Lalaking lalake. Talented talaga! Ako nga ay nalito. Babae pa ba ako? Hahaha Char lang! (Mamaya natin pag-usapan ang pagkatao ko. Yung kahibangan ko muna kay Kaye!) Ala! Ay RIP replay button talaga! Sinusundan ko pa ng Runaway yung Wonderful Tonight. Yung dalawang yun ang aking all time favorite na kanta nya. Walang pakialamanan! Yung ang gusto ko!



Love is........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon